Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maui Taylor Rose van Ginkel 69+1
Maui Taylor Rose van Ginkel 69+1

Lesbian love at mga bulgar na salita new flavor ng online movies

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

LESBIAN lovers ang mga karakter nina Maui Taylor at Rose van Ginkel sa latest movie ni Darryl Yap sa Viva Films na ang titulo ay 69 + 1. Katrayanggulo nila si Janno Gibbs at mukhang may mga eksena sa pelikula ng pag-o-orgy (group sex) nilang tatlo.

Sa istorya, lovers na talaga sina Maui at Rose pero parang boring na sa kanila ang sexual activities nila kaya nakaisip sila na kumuha ng boy toy at ‘yon ang character na gagampanan ni Janno. 

Batay sa trailer, na ipinalalabas na ngayon sa social media, mayayamang lesbians sina Maui at Rose. 

Sa trailer, may linya sina Maui at Rose kay Janno na, ”pwede mo kaming sabay na kan——in.” Malinaw na malinaw at buong-buo ang linyang ‘yon. Pati trailers sa social media ay ‘di sini-censor ngayon. Siyempre pa, ang buong pelikula ay ‘di rin dumaraan sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). 

Alam n’yo naman sigurong si Sharon Cuneta rin ay may linya sa  Revirginezed, na kasalukuyang ipinalalabas pa rin ng Vivamax sa Internet ng:  ”Ang laki ng t-t-!” na patungkol sa sex organ ni Marco Gumabao, na love interest n’ya sa nasabing pelikula. 

‘Yon nga, bukod sa parang mauuso ang lesbian love sa Pinoy pandemic movies, mauuso rin ang ang pag­bubulalas ng mga salitang itinuturing na bulgar sa mga naunang henerasyon. Baka sa mga Gen Z ngayon, wala nang mga salitang bulgar. Acceptable na, lahat, pati ang lesbian relationships ng mga babaeng ‘di-kilos lalaki, ‘di mukhang lalaki, pero nakikipag-ibigan sa kapwa babae, tanggap na yata bilang kuwentong pampelikula sa panahon ng pandemia na walang censorship. 

Alam n’yo na rin sigurong ang kahihiwalay lang sa mister n’yang si Kylie Padilla ay may online movie rin na lesbian ang papel n’ya, ang BetCin, na katambal si Andrea Torres. Umaatikabo ang pagpo-post nila sa social media ng pictures nilang sweet na sweet in a very sexual way. 

Buti na lang walang nagsu­suspetsang kaya nambabae umano ang mister ni Kylie na si Aljur Abrenica ay dahil nag­dudududa na siya sa sexuality ng misis n’ya. Buti naman hindi sabay na sabay talaga ang pagpo-promote nina Kylie at Andrea ng BetCin sa paghihiwalay nina Kylie at Aljur. 

Sa abot ng kaalaman namin, Islamic (Muslim) din ang relihiyon ni Kylie, tulad ng sa ama n’yang si Robin Padilla. Maaaring mali kami, pero sa abot din ng kaalaman naming, ‘di-tanggap sa Islam ang LGBTIA+ community. Wala pa naman kaming nababasang comment ni Robin sa pag­labas ng anak n’ya sa pelikula bilang lesbian. Wala pa ring puna mula sa mga Muslim sa bansa. 

Wala rin namang nagsususpetsang kaya ‘di na nagbo-boyfriend si Andrea mula nong maghiwalay sila ni Derek Ramsay ay dahil kapwa babae na n’ya ang gusto niya. 

Actually, nakagugulat na parang enthusiastic na enthusiastic ang mga kabataang artistang babae natin na gumanap na lesbians na babaeng-babae ang itsura. Pati nga si Sanya Lopez ay nagpahayag kamakailan sa isang media interview na gusto n’yang makagawa ng pelikula tungkol sa lesbian affair. Wala pa namang comment tungkol dito ang home studio niya, ang Kapuso Network

Bagong tema at bagong hamon kasi ang gumanap na lesbian kaya enthusiastic ang mga bata o medyo bata pang mga aktres na lesbian sa pelikula. Mauutak naman ang mga producer, director, at scriptwriter natin, dahil baka naman hindi lahat ng kalalakihan ay ganadong manood ng sex scenes ng parehong babae, nilalahukan din nila ang pelikula ng sex sa pagitan ng babae at lalaki. Sa kaso nga ng 69+1, si Janno ang lalaki nina Maui at Rose.

Eh si Sharon kaya, bilang follow up sa daring film n’yang Revirginized na napakamatagumpay umano sa “takilya” ng online Vivamax, papayag ding gumawa ng lesbian affair movie? Wala pa siyang nagagampanang lesbian role, ‘di ba? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …