KINONDENA ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pag patay sa isang babaeng Muslim trader sa Nueva Ecija.
Ayon kay Hataman dinukot ang babae ng mga pulis at sinunog ang katawan nito para pagtakpan at mawala ang ebidensya sa karumadumal na krimen.
Nanawagan si Hataman kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na paimbestigahan ang pagdukot, pagpatay at pagsunod sa mga labi ni Nadia Casar, isang online seller.
“It is reprehensible to think that those who are supposed to protect and serve the people are the same ones behind this savagery. Sobra itong nakakagalit at marapat lamang na imbestigahan ito ng PNP at papanagutin ang mga may sala,” ani Hataman na dating gubernador ng binuwag na Autonomous Region in Muslim Mindanao.
“Hustisya ang isinisigaw ng mga kaanak at kaibigan ni Nadia Casar, pati na rin ng buong Muslim community sa bansa. Hers was a life cut short because of the greed of people, people who are supposed to protect her in the first place,” aniya.
Ayon sa mga ulat, yung sonunog na katawan ni Casar ay natagpuan sa Sitio Pinagpala, Brgy. Imelda Valley, Palayan City sa Nueva Ecija. Yung pera at mga alahas niya, ay umano’y ninakaw.
Apat sa pitong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya. Sila ay: “police officers Benedict Matias Reyes, June Malillin, Julius Alcantara and Dario Aligan Robarios.”
Ang mga hindi pa nahuhuli ay mga pulis din : Rowen Martin, Drextemir Esmundo and Franklin Medina Macapagal.
“Madami na tayong reports ng mga kapatid nating Muslim, lalo na yung mga negosyante, na kinikidnap, pinagnanakawan at pinapatay pa. I urge the PNP to investigate the occurrences of crimes perpetrated by wayward members of the police against Muslims. Para matigil na ang ganitong klaseng mga insidente,” ani Hataman.
“At sana rin, magkaroon ng malinaw na polisya ang PNP ng anti-discrimination para sa mga kapatid nating Moro, lalo na yung nabibiktima ng human rights violation at profiling. Handang makipagtulungan ang ating tanggapan kay PNP Chief Gen. Eleazar tungkol dito,” dagdag pa niya.
(GERRY BALDO)