Sunday , November 10 2024
Oscar Albayalde Guillermo Eleazar
Oscar Albayalde Guillermo Eleazar

PNP Chief DG Albayalde & NCRPO Chief Dir. Eleazar ipinahihiya ba kayo ng mga lespu ninyo?!

KAMAKAILAN dalawang police escort ng isang Korean national na nam­basag ng side mirror ng isang taxi driver ang nag-viral sa social media.

Kamakalawa, isang rapist na pulis na ang rason ay anak umano ng mag-asawang drug pusher ang sumama sa kanyang 15-anyos na dalagita sa motel at hindi raw umano humingi ng kapalit.

Pero ang higit na nakapangingilabot ‘yung sagot niyang, ‘kalakaran na raw ‘yan sa pulis ang gahasain ang anak ng suspek.’

Wattafact!?

Straight from the horse’s mouth ang ‘fact’ na ‘yan. Uulitin lang po natin, kalakaran na raw sa pulis ‘yung ginawa niya?!

‘Yung kapag nakursunadahan ang dalaw ng drug suspect ay puwedeng ‘ikama’ nang walang kapalit?!

Ta’na naman talaga, oo!

Parang kung magkakaroon ng plebisito sa pagpapatupad ng ‘death penalty,’ ang sarap bumoto ng ‘YES’ at ipabitay agad ang mga ganyang pulis, kasunod ng mga plunderer at iba pang magnanakaw sa gobyerno at ‘yung mga sangkot sa illegal drug syndicates.

Wala man lang respeto sa kanilang mga bossing para sumagot nang ganyan — ‘kalakaran na sa pulis?’

Sonabagan!!!

Tahasan kayong binastos ni PO1 Eduardo Valencia, DG Albayalde and Dir. Eleazar.

Kulang na lang e tagpasin ang ulo at yagbols ninyo sa harap ng publiko on national TV.

Ganyan na ba talaga ang mga pulis ngayon?!

Aba, kailangan sigurong isalang sa congressional or senate investigation ‘yang Valencia na ‘yan para ituga niya kung ano-ano pang ‘kalakaran’ sa PNP ‘yang sinasabi niya.

Attention po Sen. Dick Gordon!

Kailangan na rin sigurong isalang sa neuro test ‘yang si Valencia dahil senyales nang isang psycopath ang kanyang ipinakikita.

Mantakin ninyong ikatuwiran na kalakaran o parang normal na sa PNP ang pagtanggap sa baluktot na moralidad ng mga pulis?!

Hindi naman tayo nagsasanto-santito, pero kaakibat po ng pagpupulis ang maayos na pananaw sa moralidad dahil sila ay tagapag­patu­pad ng batas at masyado nga pong maraming tukso sa kanilang trabaho.

Kaya kung mababaw ang pananaw sa mora­lidad ng isang tao — delikado ‘yang mag-pulis.

Magtataka pa ba tayo kung bakit mayroong upperclassmen sa PNPA na pinag-oral sex ang dalawang plebo?!

DG Albayalde and Dir. Eleazar, mukhang kailangan na talaga ninyong higpitan ang recruitment ng mga pulis.

Kailangan sigurong hindi lang pagiging combatant ang maging training nila kundi ‘yung ‘true essence’ ng pagiging law enforcer gaya noong pana­hon na ang mga pulis ay nagtatapos bilang criminologist at hindi combatant mula sa PNPA.

Dapat na rin sigurong aralin ng CHED na ang mga pulis ay mayroong pre-requisite courses or subjects na magpapanday sa kanilang moralidad.

Katakot-takot na sablay na po ang nakikita ng madla sa ating mga pulis, kailangan na sigurong ugatin kung ano ang tunay na problema. Hindi na lang ito usapin ng mababang suweldo o mahirap na trabaho.

Uulitin ko lang po, DG Albayalde and Dir. Eleazar, panahon na po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

‘Instant promotion’ ng bagitong bisor kontrobersiyal sa MIAA

‘Instant promotion’ ng bagitong bisor kontrobersiyal sa MIAA

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *