HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKITA na ninyo, kaya hindi kami kumikibo roon sa mga masyadong excited na nagsasabing si Senador Ralph Recto ang tatakbong congressman at si Ate Vi (Congw. Vilma Santos) ang patatakbuhing senador. Bakit may sinabi na ba si Ate Vi? May mga tao lang na masyadong excited kaya kung ano-ano na ang sinasabi. Noong mag-live sa social media si Ate Vi, ‘di lumabas ang totoo na wala pa siyang desisyon at puwede ngang mag-retire na siya sa politika at mag-artista na lang ulit.
Mahirap kasing gumawa ng isang national campaign si Ate Vi. Tiyak na ang hihingin ng bawat bayan ay makita siya ng personal. Kaya ba niyang ikutin ang buong Pilipinas? Mabuti kung may sarili siyang eroplano at magdadala siya ng “sako-sakong pera.” Isa pa, wala na bang peligro ang Covid sa panahong dapat siyang mangampanya? May mga tao ring nag-iisip na ang dapat niyang takbuhan ay isang local post sa Batangas.
May mga tao rin kagaya namin na naniniwalang panahon na para siya ay magbalik bilang isang aktres.