Tuesday , November 5 2024
Maine Mendoza #MaineGoals
Maine Mendoza #MaineGoals

Maine enjoy magpatawa — Pero ang hirap i-consider na comedian ako

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAINTRIGA na kami una pa lang naming narinig ang Buko Channel. Ang ibig sabihin pala nito ay Buhay Komedya–isang 24 hour local comedy channel na magdadala ng kuwelang libangan para sa mga manonood.

Sa virtual media conference nito noong Lunes, sinabi ni Maine Mendoza na maraming aabangan sa kanyang show na #MaineGoals. Isa ang lifestule oriented show ni Maine na tampok sa Buko Originals.

“Ang daming dapat i-expect sa show na ito,” panimula ni Maine na layunin ng #MaineGoals ay isakatuparan ang kanyang ‘goals’ galing sa kanyang checklists.

“#MaineGoals is basically about taking new adventures and taking new challenges. Ako grateful ako kasi mayroon akong kasama, dalawa sila sina Chamito and si Chitchirita, ang dami naming ia-achieve na goals. Marami akong first time dito at mawi-witness din ng fans, para siyang vlog type where we will date our audience with us throughout our journey in achieving our different goals every week.

“So, ibang-iba talaga ang gagawin namin dito. Ang iba daring, ang iba exciting, ‘yung iba you didn’t expect me to do pero para sa  #MaineGoals, inilaban ko ‘yan,” masayang pagbabahagi pa ni Maine.

Sinabi pa ni Maine na sobra siyang thankful sa APT Entertainment Inc., at Cignal TV Inc., dahil nakapag-come-up sila ng ganitong show.

“I’ve very much involve specially noong pre-pandemic kasi matagal na rin itong pinaplano. Like siguro two years ago pa ‘yung first meeting namin about this.  So natutuwa naman kasi I can really voice out my thoughts  about about the project, about the show,” pagtatapat ni Maine.

“And I really feel like they listen to what I have to say. Para siyang…parang hindi ako nagwo-work. Hindi nga work ito para sa akin, kasi kung ano ‘yung gusto kong gawin at interesting for me, sinasabi ko sa kanila. And talagang they really make sure na magagawa namin sa show kaya nakatutuwa, parang hindi ako nagtatrabaho. At the same time, ang daming learnings, ang daming new experiences. So I’m really grateful for the producers of the show,” giit pa ng dalaga.

Natanong si Maine kung saan siya mas nag-eenjoy, magpatawa o magpakilig ng fans.

Ani Maine, “magpatawa siguro. Pero kasi parang ang hirap kasi sa akin na i-consider na comedian ako.

“Siguro kasi surrounded ako ng talagang mahuhusay na komedyante, from ‘Bulaga’ pa lang. So, nakakatuwa na in a way nate-train ako. So, roon ako sa comedy.”

Samantala sinabi ni Direk Mike Tuviera ng APT na mahigit limang taon na noong unang napag-usapan ang pagbuo ng Buko Channel.

“Actually, lumaki na nang lumaki ang idea because of Cignal’s growth, the largest subscriber base. So we’re talking, ‘Why not, why not have a 24/7 comedy channel?’ And in APT, that’s one of our forte that we really do well.

“I was born around comedy, siyempre, with my father in Eat Bulaga!. Sabi ko, let’s marry our forces together and let’s provide naman something new to the audience.”

At kahit na-delay ang launching nila, satisfied naman sila sa mga nabuo nila para sa Bukod Channel. “Even if with the delays that happened because of the pandemic and all of that, I think, BuKo is finally coming to fruition. It’s being born at exactly the right time, when people really needs something like this in their every-day life.”

Bukod sa #MaineGoals, tampok din sa BuKo Originals ang Kusina ni Mamang, isang cooking show hosted by Pokwang na tutuklas ng iba’t ibang tradisyonal na lutong Pinoy. 

Pokwang Kusina ni Mamang
Pokwang Kusina ni Mamang

“At Cignal TV Inc., we take pride in collaborating with top players in the entertainment industry to  explore new ways of providing quality content for our viewers. We are honored to partner with APT Entertainment Inc. in the creation of BuKo and in serving the refreshing and feel-good comedy that we have lined up for the coming months,” pahayag ng Cignal TV Inc. President at CEO na si Robert P. Galang.

Ang Buko Channel ay magiging one-stop channel at tahanan ng komedya sa bansa. Tampok dito ang mga  classic at orihinal na mga programa na naglalayong magbigay kasiyahan para sa lahat ng manonood.

“Conceptualizing the programs for BuKo Originals was never an easy task, but it was well worth it especially with the talents that we’re working with and all the amazing ideas that are brought to the table. We look forward to filling BuKo with non-stop laughter and feel-good entertainment for the whole family,” dagdag  pa ni Tuviera.

Opisyal nang bukas ang BuKo channel sa Cignal TV Channel 2 at SatLite Channel 2, at sa Cignal Play app,  na downloadable sa App Store at Google Play. Para sa mga katanungan sa Cignal postpaid at prepaid na subscription, bisitahin ang http://cignal.tv. Magagamit din ang Cignal Plan para sa Prepaid 100 at Postpaid 250, habang ang SatLite Plan  naman ay nagsisimula sa P49 load.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *