Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Belle Mariano Donny Pangilinan DonnyBelle Lizquen Kathniel
Belle Mariano Donny Pangilinan DonnyBelle Lizquen Kathniel

Donny-Belle susunod sa kasikatan ng Lizquen at Kathniel

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MAITUTURING na sina Belle Mariano at Donny Pangilinan na ang isa inaabangang love team ngayong 2021 na nagsimula sa tambalan nilang He’s into Her na kasalukuyang napapanood sa iWantTFC.

Hindi malayong ang Donny-Belle loveteam ang susunod sa yapak ng LizQuen (Liza SoberanoEnrique Gil) at KathNiel (Kathryn BernardoDaniel Padilla) dahil so far ay sila lang ang matatag ngayon.

Nabuwag na kasi ang JaDine nina James Reid at Nadine Samonte at naguguluhan naman kami sa MayWard kung buo pa pagkatapos ng matindi nilang tampuhan.

Anyway, ang cute naman kasi ng Donny-Belle kaya inaabangan ang digital series nilang He’s into Her na nakadagdag pa ang ganda ng soundtrack na kinanta ng BGYO.

Ang takbo ng kuwento ay pinag-aagawan si Max (Belle) ng dalawang lalaki na ngayon ay bumabalik sa kanya ang ex-boyfriend na si RJ (Jeremiah Lisbo) habang nililigawan siya ni Deib (Donny) sa huling dalawang episodes ng series.

Panoorin ang huling dalawang episode ng He’s Into Her” kada Biyernes,  8:30 p.m. sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Napapanood din ang serye tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …