Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juan Miguel vs Paolo, ano ang totoo?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MAY mga hinaing ng harassment ang baguhang aktor na si Paolo Pangilinan na naging bida sa BL movie na Gaya sa Pelikula. May nangha-harass daw sa kanya.

Sunod-sunod ang tweet ng aktor kamakailan (published as is): ”Wag talaga ako makakakita ng lgbtqia eme eme riyan galing sa’yo ha tatalak ako… 

“Basta yung sakin lang harassers shouldn’t assert be put in positions of power esp when they’ve been reported already thank u no delete…

“Wag kang lalabas buti yan magtago ka naka abang aq.”

Walang katiyakan kung sino ba ang pinarurunggitan n’ya. Biglang nagsuspetsa ang maraming netizens na umano ang scriptwriter ng Gaya sa Pelikula na si Juan Miguel Severo ang pinarurunggitan ng aktor. Kasi nga may binanggit na LGBQTIA sa isang tweet n’ya, at ‘di naman ipinagkakaila ng scriptwriter at spoken word celebrity na gay siya kaya maraming nag-conclude na siya ang pinatatamaan ni Paolo.

‘Di rin malinaw kung sexual harassment ba ang iniaangal ni Paulo.

Tapos, biglang sumali sa isyu si Quark Henares bilang executive producer ng pelikula. Tweet ni Quark noong Lunes ng tanghali, June 21 (published as is): ”woke up to some disturbing texts and tweets. looking into it right now, guys 🙁 this is shocking to us too.

“the safety of our talents is of the utmost importance to us so know that action will be swift and firm.

“we’ll be updating you as soon as there’s more clarity on the issue.”

Habang isinusulat namin ito, ‘di pa rin nililinaw nina Paolo at Quark kung sino ang nangha-harass at sexual ba ang pangha-harass sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …