Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Dominic Roque

Bea at Dominic lihim ang date

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

TIYAK na ang saya-saya ni Dominic Roque ngayong panahon ng pandemya at bakuna. Kahit kailangan ng social distancing, “lihim” pa rin silang nakakapag-date ni Bea Alonzo.

“Lihim” ang pagdi-date nila dahil hiwalay ang pagpo-post nila sa respective Instagram nila pagkatapos ng date. At kahit na wala ni isa man sa posts na magkasama sila, madali ring nabubuko ng sharp-eyed netizens na magkasama sila sa lugar na pinagkunan ng mga litrato ng bawat isa sa kanila—dahil parehong-pareho naman ang mga detalye sa mga larawan.

Sa isang Japanese restaurant ang latest date nila kamakailan, batay sa sabay na pagpo-post nila ng pictures.

Sa Tiktok account n’ya nag-post si Dominic ng compilation ng videos ng pagpunta niya sa isang Japanese restaurant.

Makikita sa videos ang Japanese dishes—appetizer, main course, dessert—at champagne na in-order ni Dominic.

Pero kapansin-pansing dalawang wine glass ang nasa video, indikasyong may kasama si Dominic.

Sa dulo ng video ay may dalawang kamay na mahigpit na magkahawak.

Kapansin-pansin ang squarish gold watch, na mabilis namataan ng netizens at agad ikinompara sa lumang Instagram pics ni Bea suot-suot din ang nasabing relo.

Ikinakilig naman ito ng fans ng dalawa. Ipinost nila ang screenshots ng mga post nina Bea para ihambing ang pagkakapareho ng relo.

Sa Instagram Story naman ni Bea ay ipinost niya ang mga larawan ng kanyang well-deserved treat.

Kumain siya sa Japanese restaurant at nagkataong ang mga inorder niyang sashimi, Japanese desert, at brand ng champagne ay kagayang-kagaya ng mga ipinost ni Dominic.

Ang hinihintay na lang ng marami ay ang direktang pag-amin nina Bea at Dominic sa kanilang relasyon, bagamat hindi rin naman nila itinatangging may ugnayan na sila.

May napapala naman siguro sila sa kunwa-kunwariang lihim na pagdi-date nila.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …