Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ken Chan
Ken Chan

Ken nag-workshop para sa DID character

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

SUMAILALIM sa iba’t ibang workshops at consultations si Ken Chan para sa role niyang may Dissociative Identity Disorder (DID) para sa Ang Dalawang Ikaw. Hindi na bago para kay Ken ang magbigay-buhay sa ilang challenging roles kagaya na lang ng isang transgender sa Destiny Rose at person with mild autism sa My Special Tatay.

Muling masusubok ang husay sa pag-arte ni Ken sa Ang Dalawang Ikaw na gaganap siya bilang si Nelson, ang butihing asawa ni Mia (Rita Daniela), at Tyler, ang gun dealer na fiancé ni Beatrice (Anna Vicente).

Pag-amin ni Ken, magkahalong kaba at excitement ang kanyang naramdaman nang unang matanggap ang balitang gagampanan niya ang karakter ng taong may DID o split personality. At dahil tumatalakay sa issue ng mental health ang serye, masusing pagre-research, workshops, at consultations ang pinagdaanan ng aktor upang paghandaan ang kanyang karakter.

Aniya, ”I really needed a workshop dahil hindi madali ang gagawin ko at tulad nga nang sinabi ko, sensitibo talaga ang role na ibinigay sa akin at gusto ko na tama ang mensahe na mapa­panood ng Kapuso viewers.

“At higit sa lahat, napa­kalaking bagay din sa akin na andiyan si Dra. Babes Arcena na isang Psychiatrist. Ipinaliwanag niya sa akin ang mga pinagdaraanan ng mga taong may DID at lagi siyang nandiyan para i-guide ako sa mga gagawin kong eksena,” kuwento pa ni Ken.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …