KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas
PARANG nasa California, USA pa rin si Sharon Cuneta hanggang ngayon pero sinimulan na ng Viva Entertainment ang publicity campaign para sa balik-Viva movie ng megastar na Revirginized.
Siyempre pa, nangunguna sa pagpa-publicity para sa pelikula ay ang direktor na parang ayaw magpahinga na si Darryl Yap na pwede na ring bansagang “Master of Controversy.”
Inilabas ng direktor sa Facebook account n’ya noong Linggo ng hapon ang still photos mula sa beach party scene ng Revirginized, na makikitang uminom ng tequila ang character ni Sharon at dinilaan ang asin sa dibdib ng leading man na si Marco Gumabao. Nakalabas pa ang cleavage ng megastar!
Naeskandalo ang conservative fans ng 55 years old na megastar sa still photos na ‘yon. Sa dami ng mga pelikulang ginawa ng kanilang idolo, ngayon lamang ito napapayag gumawa ng ganoong kapangahas na eksena.
Parang may pagmamalaking ikinuwento ni Darryl sa media na hindi pa nakatitikim si Sharon ng tequila sa buong buhay nito, at hindi niya sinabi sa aktres na totoong tequila ang nakalagay sa shot glass na ginamit sa eksena.
Mistulang pagmamalaki ng director, ”Never pa nakatikim ng tequila si Sharon. Hindi ko sinabi na totoong tequila.
“Pulang-pula siya after, nahihilo, pero nakatatlong sequence pa siya,” sabi ni Darryl.
Kinompirma rin ng director na pumayag si Sharon na gawin ang tequila body shot.
Hindi rin itinanggi ni Darryl na may “nabuhay” sa pagkatao ni Marco nang kunan ang tequila-drinking scene nila ni Sharon.
Ang caption sa post na ito, ”Marco Gumabao is Mega Tested. Mega Approved” at “PinaINIT, PinaKIPOT. PinaSIKIP. Sharon Cuneta is Revirginized this August.”
Pero naeskandalo man ang mga conservative, malamang ay may mga natuwa rin sa mga kuhang ‘yon. Baka nga nananalangin pa sila na maglabas pa si Direk ng mas erotiko pang pictures na kuha sa pelikula. Mayroon kayang nakapatong si Marco kay Sharon?
Oo nga pala, kahit na ‘yung caption ni Direk sa pictures nina Sharon at Marco sa FB post n’ya ay nakae-eskandalo. Ipinaaprub kaya muna ni Direk Darry kay Sharon ang caption na ‘yon? O ‘di na kailangan ng approval ng megastar dahil personal post lang naman ng batang direktor ‘yon? Ibang klase talaga si Direk Darryl na para bang para sa kanya walang kahit na ano ay nakae-eskandalo. Lahat pwede!
‘Di kaya mag-backfire kay Sharon lahat ng napakatalamak na gagawin ng director para maging kontrobersiyal ang bawat pelikula n’ya?
O makatulong sa pagtindi ng interes ng madla sa Revirginized ang ‘di-natuloy na pagganap?