Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil

Ogie hanga sa pagma-market ni Liza sa negosyo

SA nakaraang tsikahan namin sa manager nina Liza Soberano at Enrique Gil na si Ogie Diaz ay nabanggit niyang may gagawing project ang dalawa sa ABS-CBN pero hindi na nito sinabi kung ano, abangan na lang daw dahil baka mapagalitan ulit siya.

“Rati kasi naikuwento ko ‘yung project, nasabihan ako, inunahan ko pa raw ang management na mag-announce kaya nahiya ako humingi ako ng sorry. Kaya ngayon kahit na anong pilit ninyo, wala kayong makukuha,” seryosong sabi ni Ogie.

Sa kasalukuyan ay umeere naman ang Dolce Amore na unang hit series ng LizQuen na napapanood sa Kapamilya Channel.

At habang wala pang project ang magsing-irog ay ang HKT Essentials ang pinagkakaabalahan nila tulad ng alcohol, alcogel at iba pa.

“Minsan dinalaw ko ang daming mga papeles sa harap niya sabi ko ano ‘tong mga ‘to? Gumagawa raw siya (Liza) ng marketing plan. O ‘di ba? Ako hindi ko alam ‘yun, kasi kung ano ‘yung nasa utak ko ‘yun na ‘yung gagawin ko agad, wala ng mga ganyan-ganyan,” kuwento ni Ogie sa pinagkaa-bisihan ng aktres.

Ito rin ang pagtatapat ni Ogie na sa sobrang busy ni Liza ay wala siyang panahon sa mga basher niya para patulan sila.

Huling pamba-bash sa alaga niya ay noong ipagtanggol nito si Angel Locsin dahil sa community pantry nito noong kaarawan niya dahil may namatay.

Payo nga ni Ogie kay Liza ay deadmahin kasi, ”Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, eh. ‘Di ba, ma-shock ako kung ang mga basher mo, eh may masilip na maganda sa ginagawa mo.”

Dagdag pa, ”kaya ‘yung kay Liza at ‘yung sa akin, nang magsalita kami eh, na-bash kami, okay lang ‘yun kasi siyempre, nararamdaman pa rin namin na relevant kami.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …