TINANONG ng PEP Troika si Jonas Gaffud, creative director ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO), kung anong klaseng Miss Universe Philippines ang hahanapin nila for next year. At bilang isa sa organizers ng MUPO, ano ang natutunan nila sa nakaraang laban ni Rabiya Mateo?
“Lesson, will have to really teach the girl na huwag masyado mag-social media, hahaha!” Viber message ni Jonas sa PEP Troika.
Reaction ni Noel Ferrer, talent manager na kabilang sa Troika: ”True. Medyo triggered talaga si Rabiya sa mga reaksiyon at hanash sa social media.
“Well, learning never stops, marami pa rin namang puwedeng gawin sa platform ng Miss Universe Philippines lalo pa’t pandemya.
“I guess may debriefing and planning naman sila na puwede pang gawin ni Rabiya. Sana, aside from pagiging artista, magamit din niya ang pagiging teacher at ang education being her advocacy.”
Dagdag pa ng manager ni Iza Calzado: ”The Universe may not be hers, but who knows, sthe World, or Intercontinental or the Galaxy may be? Arriba Rabiya pa rin!!!”
Actualy, interesado si Rabiya na pasukin ang pag-aartista. Ayon pa rin kay Jonas, may mga offer kay Rabiya pero hindi muna nila ito pinag-uusapan dahil naka-focus pa silang lahat sa Miss Universe.
Magtatagal muna si Rabiya sa Amerika para makapagbakasyon. Baka bandang July pa babalik ng bansa ang Ilongga beauty queen.
Kung decided na si Rabiya mag-showbiz, tatapusin muna nito ang kanyang reign.
Pagdedesisyonan pa ng MUPO kung September o October ang susunod na Miss Universe Philippines.
Pagkatapos ma-relinquish ni Rabiya ang kanyang crown, doon na niya haharapin ang possible offers sa showbiz.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas