Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapatid ni Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin pinaaaresto rin

ISA na ring fugitive si Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin, na tumakas mula sa Myanmar para makasali sa 69th Miss Universe.

Ginamit niya itong plataporma para mailantad sa buong mundo ang mga pang-aabuso ng militar sa Myanmar.

Si Thuzar ang nanalo sa Best in National Costume competition ng Miss Universe dahil sa kanyang “Pray for Myanmar” costume.

Nakatulong ito para lalong lumakas ang panawagang tulungan ang mamamayan ng Myanmar na muling makamit ang pinakaaasam na demokrasya.

May warrant of arrest na rin ang military junta para kay Thuzar kaya hindi pa ito maaaring bumalik sa kanyang bansa.

Samantala, ayon sa katoto sa panulat na si Jojo Gabinete ng PEP entertainment website, may kapatid si Thuzar na sikat na singer-actress sa Myanmar, ang 30-year-old na si May Thu Aung na nagtatago dahil ipinaaaresto na rin  ng military junta.

Kabilang si May sa mga artista sa Maynmar na lantarang kinondena ang coup d’etat at umanib sa We Want Justice, ang three-finger salute movement na inilunsad sa social media.

Naglabas ng arrest warrant laban kay May noong April 4, 2021 dahil sa kanyang pagsasalita laban sa military coup na labag umano sa Section 505 ng penal code ng State Administration Council.

Idinagdag din ni katotong Jojo na may isa pang showbiz idol na posibleng biktima ng Myanmar regime: si Paing Takhon, 24-year-old Burmese model-actor na aktibo sa anti-coup protests sa Myanmar at miyembro rin ng three-finger salute movement.

Dinakip si Paing ng mga militar sa tahanan ng mga magulang niya noong April 8, 2021.

Mula noon, wala nang balita tungkol sa aktor na sikat din sa ibang mga bansa sa Southeast Asia.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …