Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pia dumepensa sa mga galit na Vietnamese: ”I wasn’t being sarcastic or questioning your win at all!

BIGLANG naging kontrobersiyal na naman si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil sa simpleng tweet n’ya sa bagsik ng Vietnamese pageant fans dahil sa tweet n’ya tungkol kay Miss Universe Vietnam 2020 Nguyen Tran Khanh Van na nakapasok sa Top 21 semifinalists.

Reaction tweet ni Pia sa announcement na ‘yon: ”Mas maraming pageant fans sa Vietnam kesa sa Pilipinas? [shocked face and exploding head emojis]”

Hindi niya inakalang ang tweet niya tungkol sa Vietnam ay aani ng kritisismo kinabukasan.

Sunod-sunod ang reaksiyon ng Vietnamese fans sa tweet ni Pia. Minasama nila ang mensahe ng dating Miss Universe.

Depensa nila, nagkaisa sila para suportahan ang kanilang kandidata.

Maging sponsors daw ay naglabas ng pera para suportahan sa online voting si Miss Vietnam.

Sinabihan din nila si Pia na, bilang former beauty queen, maging maingat ito sa mga salitang ginagamit at irespeto niya ang Miss Universe Organization sa desisyon nilang piliin si Miss Vietnam.

Pero paliwanag ng Pinay beauty queen, may misunderstanding na nangyari.

Tweet ng former Miss Universe: ”Woah! Woke up to so many angry fans from Vietnam!

“I think some of you misunderstood my tweet last night! I didn’t mean any harm by it at all!”

Ipinaliwanag ni Pia ang pinanggalingan ng kanyang tweet.

Aniya, ang pagkakaalam niya ay Pilipinas ang may pinakamaraming pageant fans. Pero nagkamali siya matapos makuha ni Miss Vietnam ang pinakamaraming fan votes sa 69th Miss Universe.

“For years I was told (and I believed) that the Philippines had the most pageant fans in the world.

“But yesterday Vietnam got the highest votes in history!

“Which means I was wrong. Which surprised me! I it!! I all I meant by my tweet!”

Diin ni Pia, walang malisya ang kanyang tweet at lalong hindi niya kinukuwestiyon ang pagkapanalo ni Miss Vietnam sa highest vote score.

“I wasn’t being sarcastic or questioning your win at all! Hope this clears it up.

“Congratulations Vietnam for the highest votes in Miss Universe history!”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …