PARANG tapos na ang away ng Barretto sisters. Posibleng ‘di pa rin sila nag-uusap-usap pero kung ‘yung tatlong magkakagalit na sina Gretchen at Claudiene laban kay Marjorie (at sa anak n’yang si Julia) ay may disposisyon na gaya ni Marjorie, pagbabati na lang ng pormal ang kulang para masabing wala na silang away.
Pahayag ng ex-wife ni Dennis Padilla sa isang pakikipag-usap kay Toni Gonzaga para sa vlog nitong huli: ”’Di ba ‘pag galit ka, ‘pag hate mo ‘yung tao, ‘di ba? Gusto mo may masamang mangyari [sa kanila]. Wala ako roon.
“I’m not coming from a place of unforgiveness. I just want peace.”
Alam ng ina ni Julia na mabigat sa pakiramdam ang maghangad na may mangyaring masama sa ibang tao (at kahit naman sa sarili).
Dahil alam n’ya na mabigat sa sistema ng tao na maghangad ng kapahamakan para sa kapwa, hindi n’ya bitbit araw-araw ang negatibong damdamin na may kinalaman kina Gretchen at Claudine.
“It doesn’t mean that karga-karga ko araw-araw, na nagigising akong galit na galit sa kanila. Hindi eh, hindi ganoon, eh,” pagtatapat n’ya sa vlog ni Toni.
Tungkol sa resulta ng pagkakagalit ni Marjorie kina Gretchen at Claudine, wala naman sa kanya kung nahusgahan na siya ng ibang tao. Hindi raw kasi nila alam ang kanyang side of the story.
Ang mahalaga ay mayroon siyang peace of mind.
Dagdag pa niya, ”I can shut down from the judgment of other people.
“There’s so much that they don’t really know that goes on behind that story. And I refuse to share.
“We are public figures but we are not public property.
“Because at the end of the day, kahit anong sikat mo, pag-uwi mo, you are normal like anybody else.
“We have the same problems, we have the same needs…
“So parang, I want to protect that side of us because that side of the fame or, that’s not forever, you know?
“So ito na lang ang puprotektahan ko. And I know how to shut down from judgment.
“I know how to not listen to the bad things they say about me. I know myself more.
“I know my children more. And I know they all have good hearts.”
Ipinapayo rin ni Marjorie sa mga anak n’ya na huwag magtanim ng sama ng loob sa mga nakasakit sa kanila.
Stress at tension din sa sistema ng katawan ng tao ang pagkimkim ng galit, lalo’t kung may kasama ito ng paghahangad ng kapahamakan sa kapwa at sa sarili. At ayon sa mga doktor, kapag stressed na stressed ang isang tao, napakabilis at napakadali nitong magkasakit.
Mababa o mahina ang resistensya ng mga tao na umaapaw na ang stress. Posibleng ma-Covid sila o madapuan ng ibang sakit.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas