Sunday , November 17 2024

Miss Earth Philippines 2016, Imelda Schweighart nilait ang BTS

MAY kakampi na ang direktor na si Erik Matti sa pagkainis nito sa K-pop idols na sa tingin n’ya ay mga nagpa-ayos lang ng mga mukha kaya nagkaroon ng itsura at nag-glutathione lang kaya kuminis ang mga kutis.

Panay Belofied beauties sila, banat ni Direk Matti sa K-pop idols minsang sinumpong siyang mag-rant.

Pinasaringan ni Miss Earth Philippines 2016 Imelda Schweighart ang global K-pop superstar na BTS.

Ang BTS ay ang South Korean boyband na binubuo nina Suga, Jin, Jimin, RM, V, Jung Kook, at J-hope. Itinuturing ang BTS ngayon bilang pinakasikat na boyband sa mundo. Kasing phenomenal na ito ng The Beatles.

We don’t necessarily believe sa mga sinasabi ni Imelda pero ang feeling namin ay kailangan ding pakinggan ng madla ang mga kakaibang opinyon, kaya bibigyang-daan namin ang actually ay pangalawang  rant na rin niya sa K-pop idols.

Sa kanyang Facebook post noong May 2, sinabi ni Imelda na napilit  siya ng boyfriend na manood ng video ng BTS.

Deretsahang inamin ni Imelda na hindi siya bilib sa BTS. Komento niya, ”Okay okay, may pogi, isa nga lang.. hindi gawang-gawa ang face, medyo lang.

“Galing mag-project, big budget, may talent, pero it’s not the future. The hype?”

Ang isang ibig sabihin ng “hype” ay pakulo, pagpapatindi. Pwede na ring sabihing “exaggeration,” isang salitang pinaikli noon ng mga pa-sosyal sa bukambibig nilang “exaj!”

Ayon pa sa Tisay na si Imelda, “creepy” o nakakikilabot ang hype na nabuo tungkol sa K-Pop sensation na BTS.

Tanong pa nito, na parang tanong din ni Direk Matti noon, sisikat ba sila kung hindi gumamit ng pampaputi o kaya ay ‘di nagpaayos ng ilong?

Banat pa ni Imelda, mga totoong lalaki at mga mula sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community ang grupo.

Saad pa ni Imelda, ”Can never be in a K-pop fan’s shoe to understand the depth of their adoration. It’s like watching Michael Jackson in clones. Is it creepy? The hype is creepy.”

Sa totoo lang, ‘di naman makababawas sa kasikatan ng BTS ang panlalait ni Imelda. Sobra-sobra na ang tindi ng kasikatan ng BTS para magurlisan ng isang Imelda na kahit yata rito sa Pilipinas ay ‘di gaanong sikat kahit na naging Miss Earth Philippines siya noong 2016.

Nakapasok ang BTS sa TIME 100: The Most Influential People of 2019. Sila rin ang kauna-unahang boyband mula sa South Korea na nakakuha ng Grammy Awards nomination.

Marami na rin silang natanggap na recognitions mula sa iba’t ibang prestihiyosong award-giving bodies kasama na ang Billboard Music Awards, American Music Awards, at MTV Video Music Awards.

Oo nga pala, ‘yung unang rant n’ya tungkol sa K-pop idols ay sa Facebook din n’ya ginawa noong November 23 last year.

Saad niya noon, ”I hate K-pop. Filipinos are losing their identity trying to be like Koreans. Kaunting pride, please?

“’Di hamak na mas magaling naman mag-English mga Pinoy kesa Korean. Kala ko ba Chinese nananakop? I think we’re getting it wrong. Lagi na lang tayong sinasakop.”

Pinutakti siya ng batikos mula sa K-pop fans. Pero alive and kicking pa rin naman siya hanggang ngayon. At ang BTS naman, talagang umimbulog na sa buong mundo sa kasikatan. (Umimbulog po, ‘di bumulusok, ayon sa mga bopol sa sariling wika!)

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *