Thursday , December 19 2024

Sue binantaan ng ina: ipade-deport sa US

BINANTAAN pala si Sue Ramirez ng kanyang ina na ipade-deport sa Amerika sa sandaling ang feeling niya’y walang nangyayari sa career nito sa Pilipinas.

Actually, noon pa ginawa ng ina ang bantang iyon sa anak. Pero ipinaaalala ‘yon kay Sue ng mismong ina niya noong pumayag ang ina na sumali sa Zoom press conference ng pelikulang Mommy Issues na isa sa pangunahing bituin ang aktres.

Mangiyak-ngiyak si Sue noong lumantad sa kamera ang butihing ina na sa unang pagkakataon lang pumayag na humarap sa madla.

Nasa Amerika ang ina ni Sue na si Concepcion “Chit” Dodd. Fil-Am si Sue na ang tunay na apelyido ay “Dodd.” Dalawa (“dual” sa Ingles) ang citizenship ng aktres: Filipino at American.

Ang pagiging Amerikana n’ya ang dahilan kaya malakas ang loob ng ina na magsabing kaya n’yang ipa-deport sa US ang anak.

At oo nga pala, dating senior official ng US State Department ang ama ni Sue na si James Peter Dodd. Lahat ng miyembro ng Dodd family ay ilang taon na ring nasa US. May kapatid na tatlong babae at isang lalaki si Sue at siya ang bunso.

Sariling pasya ni Sue na manatili sa bansa noong pumunta na sa US ang pamilya niya. Artista na kasi siya noon at gusto n’yang ituloy ‘yon kahit naiwan na siyang mag-isa sa Pili­pinas.

Tam­pok din sa pelikula sina Pokwang, Ryan Bang, at Jerome Ponce. Ang Regal Entertainment ang prodyuser ng pelikula at malamang ay kinumbida ng kumpanya pati na ang mga ina nina Ryan at Jerome pero si Mrs. Dodd lang ang nagpakita sa Zoom press conference na ginanap kamailan.

Pure South Korean ang nanay ni Ryan at malamang na mas sanay itong mag-Korean kaysa mag-Ingles. Ang ina naman ni Pokwang ay kayayao lang noong Abril.

Ipinagtapat ng ina ni Sue na ni hindi nito alam kung magkano ang kinikita nito bilang aktres.

Sue manages her own finances dahil para sa kanya lang naman ang kita n’ya. Hindi breadwinner si Sue at financially independent din naman si Mrs. Dodd at mga kapatid nito.

Very American, very independent ang upbringing nilang magkakapatid kahit na lahat sila ay sa Sipalay, Negros Oriental ipinanganak at sa Paranaque, Metro Manila lumake.

Payo ni Mrs. Dodd kay Sue: ”Sige, bahala ka sa sarili mo. But always be honorable. Keep your dignity as a woman.”

Ipinaalala nga ng ina sa kanyang anak na kapag nalaman nitong naghihirap at nagdurusa lang siya sa Pinoy showbiz, siya mismo ang gagawa ng paraan na ma-deport ang anak sa Amerika.

Lahad naman ni Sue tungkol sa kanyang ina: ”I’m just always grateful that I am the person that I am because of her. All that I am is really because of my mom.

“I would like to say that I was raised well and that’s all thanks to her.

“I think all the positive things that people say about me is because of her. It’s because of how she raised me, how she taught me, how she brought me to this world.

“So, I’m very very grateful… Definitely, I’m a mommy’s girl.”

Earlier, she revealed that as a child, she slept beside her mom and she was literally spoonfed by her till her teens.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *