Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, niregaluhan ng jet ski ni Vicki Belo

ANG palad naman ni Piolo Pascual. Niregaluhan siya ng mag-asawang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho ng isang Sea Doo jet ski na ang halaga ay P1,015,000, ayon sa isang website. (Hindi ang mag-asawa mismo ang nagbulgar ng presyo ng jet ski.)

Ibinalita rin naman ni Piolo sa Instagram niya ang katuwaan sa regalo sa kanya ng mag-asawa. Siyempre pa, nag-post siya ng picture n’ya na gamit ang jet ski sa beach property niya na malapit din sa bahay niya sa Batangas, na roon siya naninirahan mula noong nag-lockdown dahil sa Covid.

Saad ng aktor sa Instagram n’ya: ”You guys are the sweetest! Now what to do with the sun spots? #butinalangmaybelo.” 

It will be remembered Vicki and Hayden spent time with the actor in February at his beach property in Batangas, which might have inspired the gift.

Mahilig naman talaga mamigay ng super expensive gifts ang milyonaryang doktora ng pagpapaganda. Maging ang nABS-CBN host na si Robi Domingo ay niregaluhan din ng doktora ng isang brand new piano na mamahalin din.

Pagtugtog sa piano kasi ang isa sa mga libangan ni Robi na noong nasa college pa sa Ateneo de Manila ay nangarap na maging doktor tulad ng kanyang mga magulang.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …