Wednesday , December 25 2024

Cayetano tutol sa P1k ayuda sa Bayanihan 3

HINDI sinang-ayunan ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng House Committee on Economic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3.
 
Sa isang panayam sa Bombo Radyo Dagupan nitong Sabado, 8 Mayo, sinabi ni Cayetano, sapat ang P200 bilyong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para makapagpamahagi ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya.
 
“Hindi limos ang hinihingi ng ating mga kababayan. Tulong, dahil extraordinary ang problema,” pahayag ng dating Speaker.
 
Nitong Pebrero, inihain ni Cayetano at kaniyang mga kaalyado ang 10k Ayuda Bill na naglalayong mabigyan ng P10,000 tulong-pinansiyal ang bawat pamilyang Filipino habang patuloy ang kawalan ng trabaho at kagutumang dulot ng pandemya.
 
Isinama ang panukalang batas sa bagong bersiyon ng Bayanihan 3, pero sa kasamaang-palad ay hindi isinali ang probisyon na P10,000 ayuda bawat pamilya.
 
Hinimok ng dating Speaker ang publiko na manawagan sa mga mambabatas na suportahan ang mungkahing mabigyan ng P10,000 tulong-pinansiyal ang bawat pamilya.
 
“Ligawan po natin ang ating mga kongresista,” sabi niya.
 
Aniya, puwedeng sumulat ang concerned citizens sa kani-kanilang representante at mga lokal na opisyal para iendoso ang 10k Ayuda Bill.
 
Kompiyansa si Cayetano na hindi ivi-veto o tatanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 10k Ayuda Bill kapag ipinasa ito ng Kongreso dahil may mapagkukunan naman ng pondo para rito.
 
“Nandoon ako sa Gabinete noong ginawa ‘yung Free Education (Act). Iyon din ang sinabi. Pero no’ng nakita ng Pangulo na may pera, nakita niyang maganda ang programa, laban,” wika niya. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *