Thursday , December 19 2024

Binoe, nasupalpal na naman ng netizens: Iwasang magpaniwala sa pseudohistorians o sa mga kung sino-sino lang

NAMAMAYAGPAG pa rin
dito sa bansa si Robin
Padilla
 kahit na parang ayaw na n’yang maging bahagi ng showbiz.

Mas abala siya ngayon sa ipinagpapalagay n’yang makabayang mga aktibidad, gaya ng mistulang pangangampanya para kay Sen. Bong Go na maraming nagpapalagay na tatakbo sa pagka-presidente ng bansa sa eleksiyon sa 2022.

Of course, hindi pa pwedeng tahasang sabihin ni Senator Go na kakandidato siya definitely for president dahil malayo pa naman ang filing of certificate of candidacy para sa election next year.

Abala rin si Robin sa social media, lalo na sa Instagram n’ya. Para rin siyang si Kris Aquino na ayaw makalimutan ng madla kaya kailangan ay makapag-post siya sa Facebook  o sa Instagram n’ya.

Last week, may colonel ng Philippine Army na nanupalpal sa kanya kaugnay ng ipinost n’yang hamon sa ilang politicians at showbiz personalities na samahan siyang sumugod sa West Philippine Sea (WSP) para malaman nilang teritoryo pa rin ng Pilipinas ‘yon, at ‘di nakamkam na ng China.

Napahiya at tumiklop si Robin kay Philippine Army colonel Mike Logico ng kunwa ay tanggapin ng military official ang hamon ni Robin sa ilang sikat na personalidad na bumisita sila sa karagatan ng bansa sa kanluran.

Ang hinahamon n’ya na sumama sa kanya ay ang mga senador na sina Francis Pangilinan at Risa Hontiveros, retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, at ang singer-activist na si Jim Paredes na dating miyembro ng singing trio na APO Hiking Society.

Nakita ni Col. Logico ang hamon ni Robin, at kahit ‘di siya kasali sa hinahamon, sumagot siya na tinatanggap n’ya ang hamon.

Sumagot naman si Robin ng simpleng: ”Call, Mike Logico.” Ibig sabihin ay tinatanggap n’ya ang pagpapaunlak ng militar.

Pero naglista si Logico ng nga kondisyon para maging kuwalipikado ang inactive actor na pamunuan ang pagpunta sa WPS.

Si Logico, ay direktor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint and Combined Training Center. Dati siyang battalion commander ng Philippine Army 66th Infantry Battalion.

Heto ang mga instruksiyon ni Logico kay Robin: ”1. Get a haircut. 2. Apply for MNSA (Master in National Security Administration Program of the National Defense College of the Philippines). I will be your instructor. 3. Apply for CGSC (Command and General Staff College), one the training units of the AFP. I will be your instructor again. 4. If you make it past step 3, you will have the minimum competency to become an RCDG (Regional Community Defense Group) Commander. That will put you in a better position to challenge…”

Sagot ni Robin: ”I apologize if in any way I offended you with my video. Sir, it’s too late for me to dream and become a highly trained officer like you. If destiny allows it I will just see you there in the high seas not as a foe but a civilian ally…”

This week, ang mga netizen naman ang lumait sa mister ni Mariel Rodriguez dahil ipinamarali ng actor na ”Spanish-established school” daw ang De La Salle University na gaya ng Ateneo at University of Santo Tomas (UST).

Kaugnay ito ng pakikipag-debate ni Robin sa isang netizen na kinuwestiyon ang paninindigan niya na ang bayaning si Lapu-Lapu ay isang Muslim.

Ang batayan ng pananaw ni Robin ang mga labanan for centuries ng mga Reconquista (mga mananakop na Espanyol) at mga Muslim.

Hindi raw matatanggap ng Spanish schools na ang gumapi kay Ferdinand Magellan ay isang Muslim na si Lapu-Lapu.

Bahagi ng pahayag ni Robin (published as is): ”Wow Tricia Lexii you got to be kidding.

“Are you from Ateneo? de la salle? UST? All Spanish established schools for insulares, peninsulares and mestizos.

“You don’t need to be a doctor of anything to accept reality.

“No Reconquista will accept a defeat from a moor/Moro.

“Historians from this Reconquista schools will definitely say I am liar and a fool.”

Mali ang impormasyon ni Robin na ang DLSU ay itinatag noong panahong sakop ng Espanya ang Pilipinas.

Isang non-partisan group na tinatawag na High School Philippine History Movement ang nagkorek kay Robin, at sinabing ang DLSU ay itinatag noong panahon ng American colonization sa bansa.

Sabi sa Facebook page ng grupo noong Lunes, May 3: ”Ang De La Salle University (DLSU-Manila) ay itinatag noong June 16, 1911 noong panahon ng mga Amerikano.

“Una itong nagtanggap ng mga 125 mag-aaral.

“Itinatag ito sa tulong ng mga Katolikong brothers, ang ‘Institute of the Brothers of the Christian Schools’ (FSC), o mas kilala bilang Lasallian Brothers.

“Hindi po ito itinatag noong panahon ng Espanyol o ng mga Kastilang prayle.

“These are irrefutable historical facts. Walang personalan. Katotohanan lang po.

“Makinig po tayo sa mga eksperto.

“Iwasan pong magpaniwala sa mga pseudohistorians o sa mga kung sino-sino lang.

“Ibalik ang Philippine History sa High School!

“Kasaysayan, huwag kalimutan!”

May iba namang netizens ang nagsabing sana raw ay nagtanong muna si Robin sa asawa niyang si Mariel Rodriguez na nag-aral sa De La Salle Santiago Zobel School at nagtapos ng kolehiyo sa DLSU.

Nag-ugat ang isyu nang depensahan ni Robin ang kaibigan niyang si Sen. Bong Go, na naging laman ng balita dahil sa pahayag nito sa isang speech na si Lapu-Lapu ay nagmula sa Sulu, Mindanao.

Taliwas sa itinuturo sa Philippine History ang paniniwalang isang Muslim si Lapu-Lapu.

Ang tanging malinaw na impormasyon ay si Lapu-Lapu ang chieftain sa Mactan, Cebu nang maganap ang pakikipagdigmaan nito sa Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan sa Battle of Mactan noong April 27, 1521.

Sabi sa official statement ng The National Historical Commission of The Philippines (NHCP): ”What we know about him are based on the accounts of the survivors of the first circumnavigation of the world, especially Antonio Pigafetta, the chronicler of the Magellan-Elcano expedition, who mentioned that during the Battle of Mactan (27 April 1521), Lapulapu was the chieftain of Mactan.

“NHCP considers all popular accounts and stories outside of these historical sources as speculative and folkloric and should not be regarded as established facts of history.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *