Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alessandra De Rossi
Alessandra De Rossi

Alessandra sa pagtawag na old maid ng netizens — I never prayed for a man or a career  

MAY tumawag kaya kay Alessandra de Rossi na “old maid” o “matandang dalaga” kaya bigla siyang nag-post sa Twitter n’ya noong May 4 na naghihimutok dahil sa umano’y ‘di-pagrespeto ng mga tao sa mga gaya n’ya na 36 years old na (ayon sa Wikipedia) at wala pang asawa at wala ring anak sa pagkadalaga?

Sa totoo lang, parang bihira nang gamitin ngayon ang mga salitang “old maid” at “matandang dalaga.”

“Single by choice” ang sinasabi ng mga tao ngayon ‘pag wala silang legal na asawa at wala ring ka-live-in.

Actually, hanga kami sa mistulang pagbubusa ni Alessandra sa Twitter.

Aniya: ”BV (bad vibes) na minsan when people make you feel you’re less of a woman, (because) you’re not married or you don’t have kids (yet) or a ring on your finger. Para bang.. Pwede bang ito yung path namin?! Sige, what is the essence of a woman? Malay ko! I don’t even know the essence of a man! CHOT”

Dagdag na buga n’ya na may halo ng pang-aasar: ”If motherhood or getting married is the best thing that ever happened to you, I’m happy for you. >Ø’Ýþ I’m sure it is the happiest place to be. Pero okay naman ako sa Jollibee.

“Kanya kanyang trip lang yan. Naiiyak nga ako sa magandang sunset and it’s also the best thing for me. ” 

At sinundan pa n’ya ito ng: ”Sorry. PMS. but it’s valid. Haha! Stop feeling like you’ve made it because you’re there na and I’m not…. And I seriously do not care. 

“Whatever God gives me, I take it. Because I never asked for anything but my family’s safety. I never prayed for a man or a career >ØtÝ”

Okey naman sa amin lahat ng ibinuga n’ya. Payo lang namin sa kanya na okey lang naman na magdasal tayo para magkaasawa at mas bumuti pa ang ating career.

Siguradong willing ang Diyos na ipagkaloob ang mga ‘yon para sa ikabubuti natin at sa ating kapwa tao.

Hindi natin dapat isipin na may mga bagay na ‘di natin dapat hilingin sa Diyos na nasa ating kalooban kaya alam na alam N’ya ang ikabubuti natin lalo na sa panahong ito ng pandemya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …