Sunday , November 17 2024

Julia kapag galit si Dennis — It traumatized me, that scared me

MOTHER’S Day ang ipinagdiriwang sa linggong ito pero mabuti naman at ang itinatampok ni Julia Barretto sa latest vlog n’ya ay ang kanyang ama na si Dennis Padilla. Nakipagkuwentuhan siya sa Papa n’ya na nauwi sa paglilinawan nila.

May ilang issues nga kasi silang dapat pag-usapan dahil bihira naman silang magkita. Hindi sila magkapitbahay na gaya nina Julia at ang kanyang inang si Marjorie Barretto. 

Parang si Julia mismo ang nag-reach out sa kanyang ama at mabuti naman at tinanggap ni Dennis ang paanyaya ng anak na magkuwentuhan sila. Opo, kuwentuhan po ‘yon at ‘di pag-uusig sa isa’t isa na parang lumalabas sa tono at estilo ng pag-uulat sa regular media at sa ilang entertainment websites.

Sa pagbabalik-tanaw sa career ng ama sinimulan ni Julia ang pag-iinterbyu sa tatay n’ya. Ginunita ni Dennis na, actually, nagsimula siya bilang child actor na gumanap na young FPJ sa pelikulang Totoy Bata. 

Napaka-warm ng mag-ama sa isa’t isa. Damang-dama ang pagmamahal at pagpapahalaga sa isa’t, lalo na ang malalim na paggalang ni Julia sa kanyang ama.

Ang pinakamatinding isyu na napag-usapan nila ay ‘yung binalak ni Julia noong 2014 na pagpapalit ng legal surname n’ya mula sa Baldivia, na tunay na apelyido ni Dennis, sa Barretto. Nabanggit ni Dennis na 15 years old pa lang si Julia noong panahong ‘yon. Hindi na n’ya iginiit na si Marjorie ang nagpasya na dumulog sa korte sa Quezon City para papalitan ang legal surname ng anak nila.

Ang sama ng loob ni Dennis sa move na ‘yon. Pag-amin n’ya kay Julia sa banayad na tinig: ”That was a dagger. Hindi lang dahil sa pangalan ‘yun, ha? It’s not the pangalan itself, that’s my blood. Kaya masakit ‘yun.

“Kasi kumbaga, ano pa ba gusto niyo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, eh. You are already well known as a Barretto. Bakit mo tatanggalin ‘yung apelyido ko?”

Ginunita naman ni Julia na kaya lang nila gustong papalitan ang legal family name n’ya ay dahil naniwala siya at si Marjorie na lalabas na illegitimate lahat ng anak n’ya kay Dennis noong ma-approve ang annulment petition ng ama niya kaugnay ng kasal sa kanilang ina.

Naging dagdag na sama ng loob ni Dennis noong panahon na ‘yon na tawag siya nang tawag at text din siya nang text kay Julia para mapaliwanagan n’ya ito pero ni minsan ay ‘di nakipag-usap sa kanya ang anak at ‘di rin nag-text back.

Paliwanag naman ni Julia kung bakit n’ya nagawa ‘yon noon: ”I think ‘yung panahon na ‘yun, you would try to message and then wala ka na maririnig na response, I think it’s because ‘yung history ng mga misunderstandings natin is magte-text ka lang ‘pag may nasaktan ka na.

“’Pag magti-text ka, nasaktan na ako, eh. Nagawa na ‘yung action. Nabigyan na ng action ‘yung mga bagay bago pa nakapag-usap ng maayos.

“I think everybody was coming from a painful place.”

Dagdag na paliwanag pa ng anak, ”Pa, I wish that you would also acknowledge the fact that, ‘Okay, maybe I have done something to scare my kids off.’”

Malaking hadlang sa relasyon nilang mag-ama noon ang kawalan ng maayos na komunikasyon.

Paalala pa ni Julia sa ama, ”Before, when we would speak on the phone—you know this, Pa—you wouldn’t have the best tone and the best choice of words.

“If I’m being honest—I’m gonna talk for myself, not for my siblings—of course, that scarred me. That traumatized me. Of course, that scared me.

“But you see, Pa, even despite all those painful words and actions, I still fought hard to keep a certain relationship with you.

“I didn’t ever give up on our relationship. I was never, ‘Okay, he hurt me. He traumatized me. I’m never gonna try with my relationship with him again.’

“Because if I had given up, we wouldn’t be talking right now.”

Paniniguro pa ni Julia sa kanyang ama, ”I mean, all is well and forgiven now. I’m so glad that you have a good relationship with me, Clau, and Leon, and with all of your kids now.

“I’m so proud of you. Because I saw the change after your journey with COVID and I appreciate all of our conversations now.

“Everybody’s so much humble, forgiving, understanding. I’m really proud of you. I want you to know that.

“I’m really proud of you because I saw the change of heart.”

Julia later asked what was the greatest lesson his dad learned from their past misunderstandings.

Diretsong sagot ng ama: ”’Wag muna makialam. Alamin muna puno’t dulo,” he said.

Julia also asked her dad what legacy he wanted to leave his children.

“Gusto ko lang matandaan niyo ako na mapagmahal akong tatay. And ipaglalaban ko kayo kahit sa kamatayan.”

“Promise yan ha?” Julia added in jest.

Padilla also admitted to Julia that when he was battling COVID-19 in April, he came to the realization that he was the one to blame in his split with actress Marjorie Barretto in 2007. He also said his relationship with Marjorie had been ”rocky because of [his] attitude and temper.”

“I saw all my mistakes. It was like a dream,” he said, adding that he also thought he was already going to die.

“Actually I am the one to be blamed. Walang kasalanan ang nanay mo. Kasalanan ko ‘yun (Your mom was not at fault. That was my mistake).”  

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *