Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Ex-journo na municipal administrator sa Capiz patay sa pamamaril

AGAD binawian ng buhay ang municipal administrator ng bayan ng Pilar, lalawigan ng Capiz, nang pagbabarilin ng dalawang suspek sa lungsod ng Roxas, nitong Linggo ng hapon, 2 Mayo.
 
Kinilala ang biktimang si John Heredia, 54 anyos, kilalang beteranong mamamahayag sa naturang lalawigan bago naitalagang municipal administrator ng bayan ng Pilar.
 
Nabatid na kalalabas ni Heredia sa isang hardware store sa Brgy. Lawa-an at pasakay sa kanyang sasakyan nang paulit-ulit na pinagbabaril ng riding-in-tandem na agad niyang ikinamatay.
 
Nagsilbi si Heredia bilang executive producer at host ng isang cable television program na “Abri Aga” at nagsulat din para sa mga lokal na peryodiko.
 
Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), dating national director at chairperson ng Capiz chapter si Heredia.
 
Samantala, kinompirma ng maybahay ng biktima na si Atty. Criselda Azarcon-Heredia, na nakatatanggap ng mga banta sa kanyang buhay ang kanyang asawa.
 
Pahayag ng biyuda sa mga mamamahayag sa lungsod ng Roxas, ipinauubaya niya sa pulisya ang imbestigasyon kaugnay sa pamamaslang sa kanyang asawa.
 
Napag-alamang nauna nang nakaligtas sa pananambang si Criselda, miyembro ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), noong Setyembre 2019 sa bayan ng Sigma, sa parehong lalawigan.
 
Hindi pa malinaw sa kasalukuyan kung may kaugnayan ang dalawang insidente.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …