Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua initsapwera si Julia sa pag-alala sa 7 taon sa showbiz

NOONG Martes, Abril 27, naalala ni Joshua Garcia na pitong taon na pala ang nakaraan mula nang nagsimula siyang sumabak sa showbiz.

Sa pamamagitan ng kanyang  Instagram account (@garciajoshuae), nagbahagi si Joshua ng 10 pictures na nagri-represent ng milestones sa showbiz career n’ya.

Pero kapansin-pansing sa 10 litrato na ibinahagi niya, hindi isinama ang former reel-and-real-life sweetheart na si Julia Barretto.

Nagkatrabaho sina Joshua at Julia sa limang pelikula—Vince & Kath & James (2016); Love You To The Stars And Back (2017); Unexpectedly Yours (2017); I Love You, Hater (2018), at Block Z (2020).

Nagkatambal din sila sa ABS-CBN prime-time series na Ngayon at Kailanman (2018-2019).

Si Janella Salvador ang tanging leading lady ni Joshua (sa seryeng Killer Bride) na kasama sa mga litratong ipinost ng binata.

Wala namang partikular na palikwanag na ibinigay si Joshua tungkol sa mga napili niyang mga litrato.

Sabi lang ng 23-year-old Kapamilya actor sa kanyang caption: ”Celebrating my 7th year in showbiz… I miss acting so much, and I hope everything goes back to the way it used to be. Stay safe everyone, and I love you all.”

Kabilang sa mga larawang ibinahagi ni Joshua ay ‘yung kasama ny’a si Nora Aunor nang nagkita sila sa parada ng 2016 Metro Manila Film Festival na pareho silang may entries. Ang kay Nora ay ang Kabisera at ang kay Joshua ay ang Vince & Kath & James na pinagtambalan nila ni Julia.

Mayroon ding kasama niya si McCoy de Leon, dahil may support roles sila sa The Good Son na umere mula September 2017 hanggang April 2018.

Nagsama rin si Josh ng picture n’ya with Olivia Lamasan, na isang ABS-CBN production executive, director, at scriptwriter.

Ang iba pang litrato ay ‘yung kumakanta siya sa isang mall, nag-celebrate siya ng birthday n’ya, nakikipagkatuwaan sa co-artists n’ya sa Star Magic, gumanap na sundalo, mentally- challenged, at iba pang roles na sa ilan ay si Julia ang katambal n’ya.

Pinahahalagahan naman n’ya ang loveteam nila ni Julia kahit na ‘di siya nagsama ng pictures nilang dalawa.

At napakatalinong desisyon ang ‘di n’ya pagsasama ng mga lararawan nilang dalawa. Hindi siya maaakusahan na ‘di pa naka-move on, o tinatapatan ang inilalabas nina Julia at Gerald Anderson na sweet na sweet na magkasama.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …