Sunday , November 17 2024

Maui Taylor, nakatrabaho sa South Korea ang Oscar winner ng best supporting actress

WOW, nakasama na pala sa isang pelikula ng ngayo’y nagbabalik-showbiz na si Maui Taylor ang bagong hirang na Best Supporting Actress sa katatapos lang na Oscar Awards na si Youn Yuh-jung na 73 years old na.

Nagwagi si Youn para sa pagganap n’ya sa isang kakaibang lola sa  Minari. Si Youn ang kauna-unahang artistang South Korean na nagwagi sa Oscars. Ni isa mang artista sa Parasite, ang South Korean movie na nagwaging Best Picture sa Oscars last year, ay ‘di man lang na-nominate para sa anumang acting category.

Pero noong last quarter pa ng 2011 nakasama ni Maui si Youn sa isang South Korean movie na sa bansang ‘yon din isinyuting: ang The Taste of Money na ang deskripsiyon ay “erotic thriller.”

Ang papel ni Youn sa pelikula ay isang mayamang matrona sa Seoul, SK na madidiskubreng ang mister n’ya ay ka-affair ang isang maganda at seksing katulong—na ginagampanan nga ni Maui. Halos bida na roon si Maui dahil napakarami nilang eksena dahil ipaplano ng amo na patayin ang katulong.

Pati naman ang amo ay may kalandian din. Magpipilit siyang agawin ang boyfriend ng anak n’yang babae.

Nang mapag-alaman ng katoto sa panulat na si Jojo Gabinete ng PEP  entertainment website na nakasama ni Maui ang Oscar-winning South Korean actress, naagapan n’yang mainterbyu via zoom si Maui.

Heto ang interbyu na ginunita ni Maui ang sirkumstansiya ng pagkakasali n’ya sa pelikula, pati na ang karanasan n’ya sa syuting na nag-iisa siyang hindi Korean.

Lahad ni Maui, ”Four months ako nag-stay sa South Korea noon, fly-in fly-out ako.

“Noong time na ‘yon, kaya ko tinanggap ‘yang project na ‘yan, I was going through a heartbreak.

“Hoping ako noong time na ‘yon na maa-absorb ako ng Korea, as in willing akong lumipat doon.

“Sinasabi nila sa akin, mukha akong Korean. Sinasabi nila, ‘You don’t need make-up.’ Kasi ang make up nila, BB Cream lang. ‘You don’t need make up because you have good skin.’

“Willing akong matuto ng Korean kung ia-absorb nila ako. ‘Yun ang mindset ko noong panahon na ‘yon.”

Kapos na kapos ang kaalaman noon ni Maui tungkol sa mga Koreanovela na kinababaliwang panoorin ng mga Filipino.

Aniya, ”Kahit noong nasa Korea ako, clueless ako sa mga K-drama noong time na ‘yon.

“Noong una, medyo mahirap for me kasi hindi ko alam kung nagsasalita sila ng English or hindi. Luckily, lahat sila nag-i-English so hindi ako nahirapan makipag-usap sa kanila.”

Ano naman ang naging karanasan n’ya sa pag-arte na kaeksena ang noon ay sikat na sa South Korea na si Youn?

Paggunita ng noon ay bata pang aktres na Pinay: ”Medyo na-intimidate ako sa kanya noong una kasi lahat ng nakatrabaho ko sa ‘The Taste of Money,’ sobrang mga sikat sila na Korean actors and actresses, and isa sila sa mga highest-paid.

“So, noong na-meet ko si Miss Youn, medyo na-intimidate ako sa kanya. Siyempre, hindi pa niya ako masyadong kinakausap.

“Ako lang ‘yung ibang lahi sa movie, roon ako na-intimidate.”

Patuloy niya, ”Siguro mga second or third shooting day, may kanya-kanya kasi silang trailer, magkakahiwalay kaming lahat.

“Pero noong nag-shoot kami ng eksena sa house, ‘yung sinakal niya ako, roon na siya naging funny at kengkoy, ‘tapos nakikipagkuwentuhan na siya sa akin.

“Sabi niya sa scene na ‘yon, kinausap niya ‘yung direktor, ‘Are you sure, you’re asking me to do this?’

“‘Yes,’ sabi ng direktor, ‘I want you to choke her.’

“Sabi niya, ‘But I will hurt her.’

“Sabi ko sa kanya, ‘No, it’s okay. No problem. Let’s do it.’

“Eh, nakailang take kami kasi hindi makuha ng direktor ‘yung shot na gusto niya kaya pulang-pula na ‘yung leeg ko.

“Sabi ni Miss Youn, ‘Oh my God, are you okay? Can you get ice for her?’ Maasikaso siya.”

Hindi agad nalaman ni Maui na nanalo si Youn Yuh-jung sa Oscar. Noong nakausap siya ni Jojo, kagagaling lamang niya sa isang out-of-town trip.

Labis na ikinatuwa ni Maui ang panalo ni Youn.

Alam ni Maui ang cellphone number ni Youn Yuh-jung.

Pero sa tagal ng panahong hindi sila nagkikita, inisip niyang baka nagpalit na ng contact number ang Korean veteran actress kaya hindi siya naglakas-loob na tawagan ang lolang superstar na ngayon ng South Korea.

Mensahe ni Maui kay Youn: ”Congratulations for winning best supporting actress for the movie ‘Minari.’

“Ever since, I’ve always looked up to her as a veteran actress in Korea.

“And every time I see her in Korean television series or movies, I’m always proud of myself kasi parang sino ba naman ako ‘tapos nakatrabaho kita? Sobrang sikat talaga siya.

“I’m overwhelmed every time I get to see her because I got to work with her. And I’m sure, she can make more movies because she’s really a good actress. Seryoso talaga siya sa craft niya.

“Congratulations!”

Samantala, alam kaya ni Maui na nagkaroon na siya ng pelikula na ipinalabas sa Cannes International Film Festival?

Opo, at ‘yun ay ang The Taste of Money. Ayon sa ulat ng Daily Inquirer kamakailan: Three other films in which Youn starred in — “The Housemaid and “The Taste of Money” by director Im Sang-soo, and “In Another Country” by director Hong Sang-soo — were screened at the Cannes Film Festival.”

Ang American superstar na si Brad Pitt ang isa sa executive producers ng Minari, at ang aktor din ang nag-present ng kategoryang pinalunan ni Youn Yuh-jung.

Nakaw-eksena ang lola sa pagtanggap n’ya ng award. Natatanaw n’ya si Pitt mula sa entablado. Pabirong tili n’ya sa aktor na idolo pa rin sa Hollywood sa edad na 54: ”Where were you when we were filming?”

May matinding sense of humor siya. Inumpisahan n’ya ang acceptance speech sa pagbanggit ng mali-maling pangalan n’ya na sinasabi sa Amerika at sa England (nananalo na rin siyang Best Supporting Actress sa British Film Academy Awards): ”You have called me names. But tonight I forgive you all!” Palakpakan ang live audience na kinabibilangan ng ilang Hollywood superstars.

Sa pagtatapos ng kanyang speech, pagtatapat n’ya: ”I dedicate this trophy two my two boys, my sons who send me out to work. Now they know what happens to me at work!” At muli n’yang itinaas ang Oscar trophy nya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

About Danny Vibas

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *