KINUWESTIYON ng Quezon Rise movement, isang bagong tatag na koalisyon ng civil society, nagsusulong ng tunay na pagbabago sa lalawigan ng Quezon kung nasaan ang bakunang Sputnik V, matapos sabihin ni Quezon Governor Danilo “Danny” Suarez na nakakuha ng Sputnik Gamaleya ang kanyang lalawigan.
“Hindi lang ang kapabayaan ni Governor Suarez dahil 2.9% lamang ang vaccination rate sa aming lalawigan kundi nagawa rin niyang magsinungaling at itago sa mga taga-Quezon kung nasaan ang sinasabi niyang Sputnik V vaccine,” pahayag ni Ed Santos, tagapagsalita ng Quezon Rise movement.
Sa online press briefing nitong Biyernes, ipinahayag ni Suarez, mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang kanyang kinausap sa telepono upang humingi ng Sputnik V CoVid-19 vaccine.
Hindi binanggit ni Suarez kung ilang Sputnik Gamaleya ang umano’y hawak ng lalawigan ng Quezon at kung may kakayahan o pasilidad para umayon sa storage requirement ang Sputnik V vaccine.
Sa pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lahat ng local government units (LGUs) sa bansa ay mabibiyayaan ng Sputnik V vaccines na gawa ng Gamaleya Research Institute ng bansang Russia dahil sa storage requirement nito.
Sinabi ni Vergeire, kinakailangang naka-store sa madilim na lugar na may temperaturang hindi tataas sa 18 degrees Celsius. Ito aniya ang importanteng requirement na hindi kayang tugunan ng ibang LGUs.
“Pagdating ng Sputnik V, mayroon lang pong assigned LGUs because they have the capability to store ‘yung said vaccines… Kaya hindi natin maibigay sa lahat ng ating regions,” sabi ni Vergeire sa press briefing.
Sa online briefing, binanggit ni Suarez ang kanilang datos, nasa 9,842 ang confirmed cases ng CoVid-19 sa kanilang lalawigan at mahigit 400 ang namatay.
Mahigit 14,000 ang nabakunahan sa mahigit dalawang milyong residente ng probinsiya ng Quezon. Sa datos ng DOH, pinakakulelat ang Quezon sa mga nakakuha ng bakuna.
Sinabi rin ni Suarez, hindi pa nakukuha ang panukalang P1 bilyong pondo ng lalawigan dahil pinaaaprobahan pa ang utang sa Development Bank of the Philippines (DBP).
Sa pahayag ni Philippine vaccine czar Carlito Galvez, Jr., inaasahan pa lamang nila ang pagdating ng 20,000 doses ng Sputnik Gamaleya bago matapos ang buwan ng Abril. Tinapos ng gobyerno ng Filipinas ang kasunduan sa Gamaleya nito lamang 15 April 2021.
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …