Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen ‘di humihingi ng pera kay Derek — to pay for my own things

DAHIL parang ang saya-saya na ng live-in lovers na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay kaya ni hindi na nila kailangan pang magpakasal para maging lubusan ang kaligayahan nila.

Kitang-kita sa latest posts ni Ellen sa Instagram ang kasayahan nilang dalawa: nag-out-of-town vacation sila sa vacation house nina Rajo Laurel at Nix Alanon sa ‘di binanggit na lugar.

May very intimate series of pics sa post ni Ellen na sa ilan ay kumubabaw sa kanya si Derek. Naglalampungan sila sa dalampasigan! Daytime ‘yon. Parang isang professional photographer ang kumuha ng pics. Gagamitin siguro ang pics later para sa isang marketing campaign.

Actually, pangalawang post na ‘yon ni Ellen tungkol sa out-of-town trip nilang ‘yon. ‘Yung unang set of pictures ay bale ang mag-inang Ellen at Elias (anak ni Ellen sa “ex” n’yang si John Lloyd Cruz) ang sentro ng mga larawang kuha sa isang swimming tank sa isang malawak na lupain. May kasamang mga babae ang mag-ina na nagsu-swimming. Wala sa picture si Derek.

Okey ‘yon na may picture ang masayang mag-ina na ‘di-kasama si Derek para ‘di naman isipin ng madla na inagaw na ni Derek kay John Lloyd ang pagiging ama ng bata na mag-23 years old pa lang. (At alam na natin na ‘di naman in-attempt ni Derek na gawin ‘yon. Ipinagtapat na rin naman n’ya sa isang radio interview with Cristy Fermin na madalas ay si John Lloyd mismo ang sumusundo kay Elias sa bahay ni Derek sa Ayala Alabang na nagli-live-in na sina Ellen at Derek.)

Parang wala namang idaragdag pang saya pa sa buhay ngayon nina Ellen at Derek ang ibinabalita nilang pagpapakasal nila.

For some reasons, nagiging pressure sa buhay ng masayang lovers ang kasal. May alam nga kaming babae at lalaki na nag-live in ng maligaya at payapa for seven years, nagpakasal—at naghiwalay pagkatapos lang ng isang taon.

Dahil hindi sila kasal, inamin ni Ellen na ‘di siya nanghihingi ng pera kay Derek, ”to pay for my own things.” As unwed lovers, wala silang pressures sa isa’t isa. Wala silang problema sa finances. Independent sila from each other.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …