Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryan Christian heartthrob ang dating

NOONG Miyerkules, April 21, 40th birthday si Luis Manzano. ‘Yon ang unang pagdiriwang niya ng kaarawan bilang mister ni Jessy Mendiola. 

Sa bihirang pagkakataon, nag-post ang ina ni Luis, ang Star for All Seasons at Lipa House Representative na si Vilma Santos, ng litrato nila ng kanyang anak at manugang.

Caption ni Vilma, ”Happy birthday Son! Love you guys. God bless!”

Pero hindi ang Instagram photo nina Vilma, Luis, at Jessy ang nakaakit nang husto sa interes ng netizens kundi ang video ng pagbati ni Ryan Christian Recto sa kuya niya.

Mensahe ni Ryan Christian, ”You know this already, I love you.

“You’re one of my idols in life and I really appreciate how you’re such a big brother to me when I need you.

“I wish you well. Same goes with Jessy too. I love the both of you and, yeah, miss you guys.

“Hope to see you soon! Happy birthday bro!”

Maraming netizens ang humanga kay Ryan Christian dahil sa mahusay na pagsasalita at heartthrob looks n’ya.

Si Ryan Christian Recto ang 25-year-old son nina Vilma at Senator Ralph Recto.

Kahit artistahin ang kanyang hitsura, pinili niyang mag-aral.

“Guwapo,” “so handsome,” at “pogi” ang ilan sa mga papuri kay Ryan Christian ng mga nakapanood ng video nitong makikita sa Instagram account ni Vilma.

Bihirang makita si Ryan Christian ng publiko kaya marami ang nagulat dahil binatang-binata na siya, at mahusay magsalita.

Pakiramdan ng marami, may magandang kinabukasan sa showbiz si Ryan Christian kung gugustuhin niyang sundan ang yapak sa entertainment industry ng kanyang ina at kapatid.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …