Thursday , May 15 2025

Sunshine Kapamilya na, Lovi Poe susunod

SI Lovi Poe ang napapabalitang susunod kay Sunshine Dizon sa paglipat sa ABS-CBN mula sa GMA 7.

Kahit wala pang lumalabas na ulat tungkol sa contract signing ng ABS-CBN at ni Sunshine, laganap na ang balitang nakalipat na si Sunshine at nakadalo sa story conference para sa unang seryeng lalabasan sa Kapamilya Network.

Pareho pala sina Sunshine at Lovi na ‘di na ini-renew ng GMA 7 ang respective contracts nila. Ibig sabihin, pwede na silang lumipat kahit saang network na interesado sa kanila. At ayon sa tsikahan ng showbiz insiders, posibleng sa ABS-CBN magkasunod lumipat ang dalawa.

Parang idi interesado ang TV5 na kunin sila. At parang ganoon din ang blocktimers sa TV5 na Cignal Entertainment at Brightlight Productions.

Actually, ang blocktimers ang nagpapasok sa Kapatid Network ng mga artistang galing sa Kapamilya Network at Kapuso Network. Pwede rin ang Viva Entertainment Group, pero ‘di naman ang Viva Artists Agency ang nagma-manage kina Sunshine at Lovi kaya ‘di namin ipinapasok ang TV 5 sa usapan.

May umeere pang show si Lovi sa GMA 7, ang romantic comedy series na Owe My Love, na si Benjamin Alvez ang katambal. Pero may showbiz sources na nagsasabing ang commitment ni Lovi sa Owe My Love ay bahagi pa ng kontrata n’yang natapos na noong July 2020. Ang kontrata na idi na ini-renew.

May balita rin na patapos na ang Owe My Love, kaya malaya na talaga si Lovi sa Kapuso Network.

Oo nga pala, ang isa sa mga nauna nang mag-ober da bakod sa ABS-CBN mula sa GMA 7 ay si Janine Gutierrez. Kasi nga ay ‘di na ini-renew ng GMA 7 ang kontrata n’ya.

Pero bakit ‘di na niri-renew ang kontrata ng mga artista sa panahong sikat na sikat pa rin sila?

Ang isang dahilan ay napakalaki na rin ng talent fees nila per project. Sa halip na silang mga “beterana” ang kunin, eh ‘di ‘yung iba na lang na sikat na rin naman pero ang talent fees ay higit na mas maliit kaysa mga beterano at beterana na.

At ang binibigyan ng GMA 7 ngayong 2021 ng malalaking projects ay ang mga artistang ang GMA 7 din naman ang nagsimulang magpasikat, halimbawa’y sina Sanya Lopez, Jasmine Curtis-Smith, Gabi Garcia, at Andrea Torres. 

Ang GMA 7 ang nagpabongga ng showbiz career ni Sunshine. Umabot pala sa 25 years ang pagiging isa sa favorite leading ladies ng Kapuso Network.

Si Lovi ay 17 years old pa lang noong nagsimula sa GMA 7. At ilang taon na ba siya ngayon?

Parang okey lang din naman na sa ibang network ipagpatuloy ng mga gaya nina Sunshine at Lovi ang maningning nilang career para ang mga mas bata naman sa kanila ang magningning sa langit-langitan ng Kapuso Network.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

EastEest Puregold 1M Cash Credit Promo

East West Bank inanunsiyo wagi ng P1-M sa EW-Puregold Cash Credit Promo 

MAY nanalo na! Opisyal nang inanunsiyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego sa anak muna nakatutok, lovelife zero

RATED Rni Rommel Gonzales RELELASYON ni Diego Loyzaga nawala siyang karelasyon ngayon. ”My life has …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

Sue Ramirez Dominic Roque

Sue napogian kay Dom kaya hinalikan-nagji-jell din ang interests namin

MASAYA at kalma ang aura ni Sue Ramirez ngayon. “Wow, thank you po. Actually masaya po talaga,” bulalas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *