Sunday , November 17 2024

Paolo at Lara nag-ampon, ayaw ng surrogacy

KAPURI-PURI ang pasya ng matagal na ring live-in partners na sina Paolo Bediones at Lara Morena na mag-ampon ng isang sanggol na babae kaysa gayahin ang parang nauuso sa mayayamang showbiz personalities na magkaanak sa pamamagitan ng tinatawag na “surrogacy.”

Si Paolo ay dating napakaaktibong broadcaster samantang si Lara naman ay dating sexy star.

“Avery” ang ipinangalan ng ngayo’y isang taon at limang buwan nang adopted baby daughter nina Paolo at  Lara. Anim na buwan pa lang si Avery noong ampunin nila.

Si Avery ang malaking biyaya mula sa Panginoong Diyos na natanggap nina Paolo at Lara sa panahon na malaking hamon para sa buong mundo dahil sa coronavirus.

Masayang-masaya si Paolo sa pasya nilang mag-ampon.

Pagbabalita niya kamakailan sa kanyang  Instagram na @paolobediones: ”Mylene [Lara’s real name] and I have been praying for so long to be able to start our own family together.

“During quarantine, we were blessed with the opportunity to adopt her at 6-months. She is now a year and 5 months.

“I am loving the experience of being a first-time dad and Mylene is so hands-on with our baby… Avery is the reason I get up every morning and go home early from a hard and stressful day at work.

“I look forward to changing her diapers and making her milk as well as putting her to bed. I am so happy.”

May isa pang magandang balita sa Instagram post na ‘yon ang dating broadcaster.

“Mylene and I will be getting married soon. The wedding will be civil muna ‘tapos saka na ang church wedding. Hirap din gumalaw during the pandemic kasi.”

Magpipitong taon na ang relasyon nina Paolo at Lara. Ilang taon na rin silang nagli-live in. May dalawang anak si Lara sa nakaraan niyang relasyon at halos mga teenager na ngayon ang mga bata.

Samantala, ang daming sanggol o mga batang pwedeng ampunin ng legal sa Pilipinas. ‘Yung mga gustong mag-ampon ay pwedeng magtanong sa Department of Social Welfare and Development para makahanap sila ng pwedeng ampunin at kung paano ito maisasagawa na may tamang proseso.

Ang “surrogacy” naman ay ang pagpupunla ng egg at semilya ng isang mag-asawa sa sinapupunan ng isang babae na sila ang pumili. “Surrogate mother” ang tawag sa babaeng pinunlaan dahil siya ang magbubuntis sa sanggol. May legal na kontrata ang babae sa mag-asawa na siyang tutustos sa pagbubuntis ng babae na kailangang tugaygayan ng isang doktor para matiyak na malusog siya at ang sanggol na nasa sinapupunan n’ya.

Lubhang magastos na proseso ang “surrogacy.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *