MULING inilagay ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang NCR plus sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula 12 hanggang 30 Abril 2021 na tanging mga essential travel lamang ang pinapayagan makapasok at makalabas sa Metro Manila.
Makikita ang kompletong detalye ng IATF Resolution 109-A sa : http://bit.ly/IATFReso109-A
Kaugnay nito, patuloy ang operasyon ng Cebu Pacific sa mga naka-schedule na domestic at international flights, ngunit maaaring ipagpaliban ito ng mga pasaherong hindi essential ang biyahe sa pamamagitan ng pagpunta sa Manage Booking portal sa Cebu Pacific website (http://bit.ly/CEBmanageflight) hanggang dalawang oras bago ang nakatakdang oras ng kanilang biyahe:
Sa Unlimited Rebooking, maaaring mag-rebook nang ilang beses at walang karagdagang bayad, kasunod ng permanenteng pagtanggal ng change fees ng Cebu Pacific. Maaari lamang magkaroon ng maliit na fare difference sa pag-rebook depende sa presyo ng ticket.
Sa Two-year Travel Fund, maaaring ilagak ang halaga ng ticket sa virtual CEB wallet na magagamit sa loob ng dalawang taon at maaaring gamitin sa pag-book ng bagong flight o pambayad sa add-ons (e.g. baggage allowance, seat selection, etc.)
Bago magtungo sa airport, pinapayohan ang mga pasahero na i-check ang / real-time/ status ng kanilang flight sa:/ https://bit.ly/CEBFlightStatusCheck, pati ang / travel requirements, safety protocols,/ at frequently asked questions (FAQs)/ via/ https://bit.ly/CEBFlightReminders.
Pinapayohan rin ang mga pasahero na i-update/ ang kanilang contact/ details/ sa bit.ly/CEBUpdateInfo/ upang makatanggap sila ng email notifications/ tungkol sa kanilang flight.
Para sa mga katanungan, maaaring magpadala ng mensahe ang mga pasahero sa pamamagitan ng Charlie, ang chatbot/ sa Cebu Pacific website,/ o sa mga opisyal na Facebook at Twitter account ng Cebu Pacific.
(KARLA OROZCO)