Thursday , December 19 2024

Higit 100 Taliptip relocatees magiging negosyante (Sa SMC community reselling program sa Bulacan)

NAKATAKDANG ma­ging micro entrepreneurs ang higit sa 100 dating mga residente ng coastal barangays ng Taliptip sa ilalim ng programa ng San Miguel Corporation (SMC) na magbibigay sa kanila ng training at puhunan upang maging business partners bilang community reseller ng kanilang mga produkto.

Bahagi ito ng programa ng SMC kung saan bibigyan ng kompanya ng tulong pinansiyal, pabahay, skills training, at livelihood assistance ang mga dating nakatira sa pagtatayuan ng P740-bilyong proyektong Manila International Airport.

Ayon kay SMC president Ramon Ang, “As we committed to our Taliptip relocatees, our assistance to them does not stop at helping them build new concrete homes on safe ground, in land that they own. For most of the past year, we have been continuously providing them skills and livelihood training and job opportunities. This reseller program represents our next-level effort to help ensure they will have better and more sustainable income.”

Dagdag ni Ang, patuloy ang kanilang kompanya sa aktibong pagbibigay ng livelihood training para sa lahat ng relocatees sa pakikipag­tulungan sa TESDA na bibigyang pagkakataon ang mga benepisaryo na magtrabaho sa itatayong paliparan o kaya ay magtayo ng maliit na negosyo, na layuning bigyan sila ng pagkakakitaan mula sa mga lokal na industriya gaya ng seafood processing at iba pa.

“Even as we work on the bigger task at hand, which is to help bring economic development not just to Bulacan and but for our whole country, by investing in a world-class international airport and its infrastructure network, we are equally focused on making sure our communities will not be left behind, and in fact, can be empowered to be part of growth and at the same time sustainably provide for their families,” ani Ang.

Sa ilalim ng community reseller program, bibigyan ng SMC ng inisyal na imbentaryo ng mga frozen na produkto ng Purefoods at Magnolia, at mga kagamitan ang mga kalipikadong relocatees, na bubuo ng mga kooperatiba sa tulong ng Cooperative Development Authority (CDA).

Sasanayin din ng SMC ang mga relocatee sa tama at epektibong pagpapatak­bo ng kanilang negosyo.

Sa kasalukuyan, nagpakita ng interes ang may 180 relocatees na sumali sa programa, habang 48 indibidwal ang sumailalim sa dalawang araw na entrepreneurship training na inaasahang masusundan pa para sa mga bagong batch.

“While capital is important in any business, it is vital to provide entrepreneurship training to our resellers, to ensure that they are successful in running and growing their small businesses. With the help of our experienced business mentors, we orient our resellers on key entrepreneurial skills they will need. We show them how to prepare their business plan, give them knowledge about financial literacy, including bookkeeping and accounting, and teach them marketing strategies. We also assist them in finding the right location in their respective communities,” pahayag ni Ang.

Binanggit ni Ang, ang tagumpay ng unang community store na pinatatakbo ng mga dating residente ng Sitio Kinse, na matatagpuan sa kanilang bagong komunidad sa Brgy. Bambang, na nasa bayan din ng Bulakan.

Bago ang pagtatayo ng unang community store, tinulungan ng SMC ang mga dating residente ng Sitio Kinse na sina Teodoro Bacon, Rodel Alvarez, Primitivo Canceran, Roberto Bantigue, Jose Roger Requinto, na makuha ang kanilang mga titulo ng lupa at maipatayo ang kanilang mga bagong tahanan.

“While fishing remains to be the main source of income for many relocatees, expanding their income sources will allow them to live beyond a day-to-day basis. They will have the means to spend for their daily needs and more, and maybe even save some for their future. And even as we make training and livelihood opportunities available, we’re also supporting the growth of their fishing industry. That is why our community-based training program has focused on fish and meat processing, bangus fry and shrimp production, among others. The goal is to provide them as much capability to earn sustainable income,” pagpapatuloy ni Ang.

Dahil sa suportang ipinakikita ng mga opisyal ng lalawigan ng Bulacan at iba pang mga stakeholder sa airport project ng SMC, sinabi ni Ang na nilalayon pa nilang dagdagan ang mga progra­ma at proyektong makatutulong sa lalawigan.

“As our partners in the airport project, we are thankful that they fully understood what we are doing not just for the province, but for our country. While the airport project will do a lot to provide jobs and help our economic recovery from the pandemic, we’re essentially building for the future. We’re making sure our country and our people will be able to handle the future growth of our economy and population,” ani Ang.

Nakapag-empleyo na rin ang SMC ng naunang 12 graduates ng kursong Heavy Equipment Operation na bahagi ng SMC-TESDA training partnership program para sa Taliptip relocatees. Sila ay magtatrabaho sa P1-bilyong Tullahan-Tinajeros river system dredging project, na nakikitang makatutulong na resolbahin ang pagbaha sa mga lungsod ng Navotas, Malabon, Valenzuela, Caloocan, Quezon, pati na sa nabanggit na lalawigan.

Naglaan ang SMC ng tulong pinansiyal sa 277 pamilya o kabuuang 364 benepisaryo sa Taliptip upang makapagpatayo ng bagong mga bahay sa mas ligtas na mga lokasyon.

Nakatanggap ng P250,000 ang bawat may-ari ng barong-barong habang nakatanggap ang mga may-ari ng konkre­tong bahay ng dobleng halagang katumbas ng appraised value ng kanilang bahay, at karagdagang P100,000. Nakatanggap din ng cash assistance ang 87 hindi kalipikado sa programa.

(KLGO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *