Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cebu Pacific plane CebPac

Cebu Pacific Advisory: Essential travels muna sa limitadong kilos sa Metro Manila

SA PATULOY na pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19 sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya, inianunsiyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mas mahigpit na mga panuntunan simula 22 Marso hanggang 4 Abril na tanging ‘essential travel’ lang ang pahihintulutan.

Mababasa ang kompletong detalye ng IATF Resolution 104 sa: http://bit.ly/032121_IATFReso104

Sa loob ng tatlong araw mula Lunes, 22 Marso, hanggang Miyerkoles, 24 Marso, tuloy ang operasyon ng mga nakaiskedyul na flight.

Samantala, maaaring ipagpaliban ng mga pasahero ang kanilang mga flight.

Maaaring magpunta ang mga pasaherong gustong ipagpaliban ang kanilang non-essential travel sa Manage Booking portal ng Cebu Pacific website (http://bit.ly/CEBmanageflight) hanggang dalawang oras bago ang nakatakdang pag-alis ng kanilang flight.

Maaari silang mag-rebook, ilagay sa travel fund ang halaga ng kanilang ticket, o kaya ay mag-refund.

  1. Rebook

Maaaring mag-rebook ng biyahe nang walang karagdagang bayad kasunod ng permanenteng pagtatanggal ng Cebu Pacific ng change fees. Maaaring may kaunting kaibahan lamang sa presyo ng mga ticket ng bagong flight kompara sa postponed flight.

  1. Travel Fund

Maaaring ilagay ang halaga ng ticket ng postponed flight sa virtual CEB wallet na maaaring magamit sa loob ng dalawang taon sa pag-book ng bagong flight o kaya ay pambayad sa add-ons (e.g. baggage allowance, seat selection, etc.).

  1. Refund

Maaaring mag-request ng refund ngunit maaari rin abutin ng pitong buwan ang pagproseso nito dahil sa malaking bilang ng mga nag-request.

Bago magtungo sa paliparan, pinapayohan ang mga pasahero na alamin ang real-time/ status ng kanilang mga flight sa Cebu Pacific website: https://bit.ly/CEBFlightStatusCheck, pati na ang / travel requirements at safety protocols sa https://bit.ly/CEBFlightReminders.

Pinapayohan rin ang mga pasahero na i-update ang kanilang contact/ details/ sa bit.ly/CEBUpdateInfo upang makatanggap ng email kaugnay ng flight reminders at updates./

Magbibigay ng updates ang Cebu Pacific para sa mga flight na naka-iskedyul mula 25 Marso hanggang 4 Abril sa mga susunod na araw.

(KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …