Sunday , December 22 2024

Mayor Fresnedi umapela at iniutos na buksan (Pagsasara ng kalsada ng BuCor labag sa batas)

UMAPELA si Mayor Jaime Fresnedi sa pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na gibain ang konkretong pader makaraang ipasara nila ang kalsada nitong Sabado na nagresulta sa pagpapahirap sa daan-daang residente na nakatira sa Southville 3, Brgy. Poblacion, Muntin­lupa City.

Sa kanyang liham kay BuCor Director General Gerard Bantag, sinabi ng alkalde, “sense of compassion and soundness of reason in reconsidering your decision to what appears to us as a permanent closure of the portion of road that connects the said community  to the rest of Muntinlupa.”

“Closing of roads leading through your area would mean isolating the residents of Southville 3 from its own city as they have to go to through San Pedro or Las Piñas to gained their entry back to Muntinlupa City. It is like cutting them geographically to the city of Muntinlupa,” ayon kay Fresnedi.

Sinabi ni Fresnedi ang pagsasara ng kalsada sa New Bilibid Prisons (NBP) reservation ay hindi naaayon o labag sa batas  at dapat kilalanin ang karapatan ng bawat mamamayan na dumaan sa access road.

Nauna rito, nakiusap si Brgy. Captain Allen Ampaya, na kung maaari ay huwag ipasara ang kalsada at resolbahin ito pero hindi pinakinggan ng taga-BuCor at itinuloy ang pagsesemento ng bakod gamit ang steel bars at hollow blocks.

Ikinatuwiran ng pamunuan ng BuCor na temporarily closure ang ipinasarang daan dahil sa security measures at health protocols dahil sa paglobo ng pandemya.

Samantala, sinabi ni Muntinlupa lone-district Rep. Ruffy Biazon, ang itinayong estrakturang  pader para ipasara ang kalsada patungo at palabas sa Southville 3 na nasa National Housing Authority (NHA) project ay ilegal.

Personal na nagtungo si Biazon sa naturang lugar at kinalma ang mga residenteng nagrere­klamo. Matapos niyang makausap ang ilang opisyal ng BuCor at nangakong agarang reremedyohan ang pro­ble­ma, kung kinakaila­ngan ay dadalhin ang usapin sa kongreso.

Gayon din ang sentimiyento ni Majority Floor Leader Atty. Raul Corro, konsehal ng 1st-district, Muntinlupa, labag sa batas at iba pang patakaran ng gobyerno ang ginawang pagsara ng kalsada ng BuCor.

(MANNY ALCALA)

About Manny Alcala

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *