Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Netizens ‘di natuwa sa bday greetings ni Ge kay Julia

MAY ilang netizens ang ‘di natutuwa sa napaka­simpleng birthday greetings ni Gerald Anderson sa Instagram para sa girlfriend n’yang si Julia Barretto.

Noong March 10 ang 24th birthday ni Julia at nag-post si Gerald ng solo picture nito sa Instagram. Makikita ang masayang si Julia na nakataas ang mga kamay habang naglalakad sa beach.

Ang simpleng pagbati n’ya sa may kaarawan ay: ”Happy birthday [heart emoji] #youareablessing”

May netizen na tinawag na “stiff” at “dry” ang pagbati ni Gerald kay Julia.

Wala man lang daw ”I love you” o kaya ay ”I’m proud of you.” Hirit pa ng iba, parang pagbati ng isang “tito” o isang “tatay” ang mensahe ni Gerald.

Pinuna nila ang malaking pagkakaiba ng birthday greetings nina Julia at Gerald para sa isa’t isa.

Sa birthday greeting ni Julia para kay Gerald, nag-post ang aktres ng kissing photo nila. Base sa background ay kinunan din ito sa beach.

Sa caption, ipinagsigawan ni Julia ang pagmamahal niya kay Gerald at ang relasyon nila.

Mensahe ng aktres: ”Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”

Pero naging kontrobersiyal ang birthday greetings na ‘yon ni Julia. May mga nag-akusa kay Julia na di naman n’ya original na teksto ‘yon. Paraphrase lang daw ‘yon ni Julia mula sa isang birthday greetings na lumabas din sa Instagram noong December last year.

Caption daw ‘yon ni Yaya Urassaya Sperbund’s sa Instagram post n’ya na birthday greetings din nga.

Si Yaya Urassaya Sperbund ay isang sikat na sikat na Thai actress dahil sa pagganap n’ya bilang  “fearless and daring Jeed” sa serye ng Duang Jai Akkanee.

Heto ang pagbati na ‘yon (published as is): ”In everyday, I celebrate you, but today I am extra grateful, so a hip hop hurra HAPPY BIRTHDAY TO YOU na kaaa.”

May Pinoy netizens na natagpuan ang post na yon at doon mismo sila nag-comment na naka-tag kay Julia. Kinastigo nila si Julia sa pangongopya ng pagbati na ‘yon.

Ilang araw lang ang nakararaan ay isang netizen sa Thailand, si @nadechyayaclubdotcom, na tigilan na ng mga Pinoy ang pagko-comment sa post ni Yaya Urassaya na may kinalaman sa “copied caption.”

‘Di ba mas okey na ang simpleng pagbati na ‘yon ni Gerald?

Actually, may panahong pinagbintangan din si Julia na kinopya lang  ang impressive quotes n’ya sa Instagram at di n’ya in-acknowledge ang sources n’ya. (DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …