Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pang-uusig ng netizens kay Julia umigting

MAUSO rin kaya rito sa atin ang parang in ngayon sa South Korea na pang-uusig sa Korean idols na pambu-bully ng mga kapwa estudyante nila?

Pero baka naman hindi.

Baka naman ‘di mga barumbado sa eskuwelahan ang showbiz idols natin. Baka mga behave sila kaya wala silang mga schoolmate na biglang nagpo-post na na-bully sila noon sa school ni ganito o ganyang showbiz idol ngayon.

O kung may mga na-bully sa campus noon ang mga showbiz idol ngayon, baka napaka-mild lang na pangangantyaw at di nakaka-trauma, kaya walang dahilan para gantihan nila ngayon ang classmate o schoolmate na sikat na sikat na. Ganu’n ang nangyayari ngayon sa South Korea.

Pero hindi naman ang mga miyembro ng sikat na sikat na BTS at Blackpink ang mga naaakusahan. Nasa ibabaw pa rin ng mga chart sa South Korea ang dalawang K-pop band na ina-acknowledge na pinakasikat ngayon sa buong mundo.

Malalaking talent agencies ang nagma-manage sa BTS at Blackpink, at sa pagpili pa lang noon sa mga ite-train para maging miyembro ng mga grupong ito, tsini-check muna sa mga pinag-aralan nilang eskuwelahan kung walang masamang reputasyon ang mga ito.

May pagka-mang-uusig na rin ang ilan sa netizen showbiz followers natin. Ang sinimulan na nilang inuusig ay si Julia Barretto kaugnay ng mga post nito noon na ipinagkakaila na may relasyon siya kay Gerald Anderson.

May mga nagre-post na ng mga lumang post ni Julia, pati na ‘yung mistulang panduduro nito kay Bea Alonzo na bigla na lang ‘di na kinausap si Bea mula nang ma-link siya kay Julia.

Siguro naman walang mahahanap ang mga netizen na lalong nainis kina Gerald at Julia ng mga tao na may maitatambad na pambu-bully nina Gerald at Julia—kung mayroon man—noong ‘di pa sila nagsu-showbiz.

Parang mas maraming netizens ang kampi pa rin kay Bea ngayong finally ay inamin na ni Gerald ang relasyon kay Julia. Isa sa mga ‘yon ay ang ‘di-gaanong busy na aktor na si Janus del Prado na tapos na pala ang kontrata sa ABS-CBN Star Magic.

May mga ma­hihiwagang post sa Instagram n’ya si Janus na ang kongklusyon ng ibang netizens ay mga parunggit kay Gerald. Heto ang dalawa sa mga iyon:

 ”Let them talk and dig their own grave while you win in silence.”

“No matter how it ended. You do not destroy someone you used to love.”

Malamang ay may maglalabasan ding parunggit, kundi man direct attack na, kay Julia na nagsasawalang-kibo sa pagtatapat ni Gerald ng katotohanan.

May lakas ng loob pa kaya ang Viva na bigyan ng malaking project si Julia dahil sa pagsisinungaling n’ya noon tungkol sa relasyon n’ya kay Gerald?

Kung magpapaka-super sexy na siya at gagawa ng torrid scenes sino man ang kapartner, baka dumugin si Julia sa ganoong klaseng pelikula.

Pwede ring pagsamahin sila ng nakababatang kapatid n’yang si Claudia Barretto na Viva talent na rin pala. ‘Di na menor de edad si Claudia kaya walang kaso kung sabay silang ilulunsad ng ate n’ya bilang mga sex goddess.

Kaila­ngan ng magkapatid ng matinding hanap­buhay ngayon.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …