Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon ‘di tutol kung seryoso sina KC at Apl de Ap

HINDI pala alam ni Sharon Cuneta kung may seryosong relasyon na talaga ang anak n’yang si KC Concepcion kay Apl.de.Ap.

Pagtatapat ng ina, ”Ang sabi sa amin ni KC, ‘We’re very good friends.’ Hindi naman ako nag-usisa pa, basta kahit sino pa, basta mahal niya at mahal siya.”

Si Apl.de.Ap, also known as Alan Pineda Lindo, ay ang Filipino-American singer/rapper/record producer na kilalang miyembro ng American hip-hop group na Black Eyed Peas.

Coach din si Apl.de.Ap sa reality franchise show ng ABS-CBN na The Voice.

Sa Cristy Ferminute ni Cristy Fermin sa 92.3FM Radyo Singko ginawa ni Sharon ang pagtatapat na ‘yon. Mahabang tsikahan ang guesting ni Sharon sa programa.

Nagkaroon pa ng Part 2 na puno ng kuwento mula pa noong pagkabata niya at testimonial ng mga tagahanga ni Shawie.

Ayon kay  Cristy, ni hindi natin nabalitaan ang pagibigay ni Mega ng malaking halaga kay April Boy Regino nang magkasakit at mamatay ito.

Magiging busy na si Sharon sa parating na Your Face Sounds Familiar, ang reality franchise show ng ABS-CBN.

Abala rin siya sa mga gagawin niyang mga pelikula at endorsements.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …