PINAMAMADALI ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon kay Guevarra, umaasa siyang sa susunod na linggo o pagkatapos ng 10 araw mayroon nang resulta ang isinasagawang parallel investigation ng NBI.
Kaugnay nito, sinabi ni Guevarra, nitong Lunes ay ipinatawag ng NBI ang mga indibidwal na nasa hotel na nakasama ni Dacera bago mamatay.
Kasama ang mga indibidwal na nasa kabilang hotel rooms na naka-check-in noong naganap ang insidente, ipapatawag ng NBI para magbigay ng kanilang testimonya.
Madali umano silang makilala dahil nasuri na rin ng NBI ang mga CCTV footages sa hotel partikular sa reception, entrance, lobby, corridor maging sa loob ng elevator.
Samantala, kasalukuyan nang sinusuri ng forensic expert ang sample tissues na nakuha mismo ng NBI sa bangkay ni Dacera bago ito inilibing nitong Linggo.
Sinabi ni NBI Spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin na dumating na nitong Linggo ang sample tissue at isasailalim na ito sa forensic examination.
Ang resulta ng imbestigasyon sa mga samples na nakuha ng NBI sa City Grand Hotel sa isinagawa nilang crime scene investigation ay asahan nang ilalabas sa susunod na linggo.
Tiniyak ni Lavin, sa pamamagitan ng imbestigasyon ng NBI, lalabas ang katotohanan kung ano talaga ang nangyari bago mamatay ang flight attendant.
Samantala, iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police – Directorate for Investigative and Detective Managament (PNP-DIDM) ang police officers ng Makati na nagsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Dacera.
Aniya, aalamin ng PNP-DIDM ang mga naging lapses ng mga tauhan ng PNP Makati sa pag-iimbestiga sa krimen.
Sinabi ni PNP Chief Debold Sinas, binibigyan niya ang DIDM hanggang Miyerkoles o 13 Enero para tapusin ang imbestigasyon sa mga pulis sa Makati.
Ginawa ang imbestigasyon sa mga pulis sa Makati matapos ang una nilang pahayag na ginahasa si Dacera at pinatay sa kabila na walang nakukuhang matibay na ebidensiya.
Bago ito, una nang inutos ni Sinas na paganahin ang Special Investigation Task Force group kay Dacera na pinamumunuan ng PNP CIDG para mas matutukan ang kaso.
Ayon kay NCRPO chief, Gen. Vicente Danao, Jr., mas nagiging masusi ang ginagawang imbestigasyon sa ngayon at mas maiging hintayin ang resulta nito.
MAY KRIMEN
NA NANGYARI
SA DACERA CASE
TINIYAK ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, kaugnay sa ginagawang pagsusuri o awtopsiya sa bangkay ng flight attendant na si Cristine Dacera na mayroong ‘krimen’ na dapat suriin.
Ayon kay Lavin, mayroong indikasyon na may nangyaring krimen sa pagkamatay ni Dacera na masaring isa o higit pa ang gumawa.
Sa ginagawang imbestigasyon ng NBI, sinabi ni Lavin mahigit sa 50% ng imbestigasyon nila sa kaso kasabya ang Philippine National Police (PNP) ay maituturing na case solve.
Sa ngayon, ayon kay Lavin wala pang classification ang NBI kung ito ay solve o unresolve pa ang kaso.
“Without commenting other investigation, our investigation will be very legal, thorough forensic base, this is evidence base so we will have scientific pieces of evidence, it will back up by CCTV, digital pieces of evidence, electronic pieces of evidence, it will back up by, hopefully a testimonial avidence,” pahayag ni Lavin.
“We have also some psychological assessment going into their full range of forensic capabilities,” dagdag ni Lavin.
Hindi nagbigay ng time frame si Lavin sa ginagawang imbestigasyon ng NBI ngunit tiniyak na tatapusin ito ng professional agents at forensic experts.