Saturday , November 16 2024
drugs pot session arrest

Huli sa aktong ‘pot session’ 3 singhot boys tiklo sa droga

DINAKIP ng mga awtoridad ang tatlong ‘singhot boys’ habang abala sa isang pot session sa loob ng bahay ng isang  alyas Pato kamakalawa ng gabi, 2 Enero, sa lungsod ng Marikina.

Kinilala ang mga nadakip na sina Amado Sison, 42 anyos, alyas Patol; Ron Ely Catiis, 23 anyos; at Jolibe Lalisan, 25 anyos, pawang mga residente sa Brgy. Malanday, sa naturang lungsod.

Nabatid na dakong 7:20 pm kamakalawa nang naaktohan ng mga operatiba at barangay tanod ang tatlong suspek na abala sa pagsinghot ng droga sa nabanggit na lugar.

Nauna rito, nagsagawa ng patrolya sina P/MSgt. Reyna Murillo kasama ang mga barangay tanod na sina Ruel Ruiz, Roderick, Dexter at Erickson Telan ng Sub-Station 4 ng Marikina PNP nang makatanggap ng tawag kaugnay sa nagaganap na pot session sa lugar.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang tooter, tatlong transparent plastic sachet ng hinihi­nalang shabu, aluminum foil, isang nakarolyong aluminum foil, at isang disposable lighter.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 13 at 14, ng Article 2 ng RA 9165 o The Comprehensive Drug Act of 2002.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *