Saturday , November 16 2024

15,000 bakwit siksikan sa Montalban

NANANATILING puno ang 16 evacuation centers ng mahigit sa 15,000 bakwit, habang lubog pa rin sa putik at tambak ng basura ang kanilang mga bahay na sinalanta ng nagdaang bagyong Ulysses sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal.

Sa rekord ng lokal na pamahalaan, ilan sa mga ginawang evacuation centers ang Aranzazu covered court, Burgos Elementary School, Manggahan National High School, Geronimo Elementary School, Eulogio Rodriguez, San Isidro Library, South 8B, San Jose National High School, Kasiglahan, Munting Dilaw, San Jose Elementary School, Carmon Elementary School, San Rafael, Wawa Elementary School, sa naturang bayan.

Nabatid nasa 3,363 pamilya katumbas ng 15,591 indibidwal ang nagsisiksikan sa 16 evacuation centers matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

Kabilang sa mga lubhang apektado ng bagyo ang mga barangay ng Burgos, San Jose, San Isidro, at San Rafael, na umabot hanggang bubong ng mga bahay ang baha lalo sa Sitio Libis, Barangay Rosario, nasa gilid ng ilog, Dela Costa Village sa San Jose, at Manggahan.

Ilang lugar pa sa Rodriguez ang wala pa rin supply ng koryente at tubig kaya nahihirapan ang mga residente na linisin ang mga tambak ng basura at putik sa loob at labas ng kani-kanilang mga bahay.

Bukod sa umiiral na pandemyang CoVid-19, nangangamba ang mga residente sa panganib ng iba pang epidemya dahil sa nagkalat na basura.

(EDWIN MORENO)

 

 

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *