Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mylene, nagbaon ng sangkatutak sa taping ng Bilangin

MATAPOS ang mahigit kalahating taon, balik-trabaho na ang stars ng GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit simula noong nakaraang buwan.

Bukod sa mahigpit na pagsunod sa health at safety protocols sa set, masayang ibinahagi ng cast ang kanilang mga karanasan sa pagte-taping sa ilalim ng new normal.

“Ang dami-dami kong baong pagkain. Because may mga bagay na hindi ko kinakain tulad ng baboy at saka ng beef. Nagbaon na lang ako panigurado at saka mga de lata,” ani Mylene Dizon.

Na-challenge si Yasser Marta na muling umarte matapos ang ilang buwang pahinga, “For me, ‘yung challenges ‘yun lang talaga sa scene na kinukuhanan kasi napakabigat niyong mga character. Siyempre ‘yung cast din napakagaling.”

Excited naman si Ina Feleo na muling makita at makatrabaho ang kanyang co-stars. “Mayroong excitement talaga bukod sa kaba dahil siyempre kailangan ng extra ingat ngayon. Ako personally, nae-excite ako talagang makita sila ulit.”

Abangan ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA-7.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …