Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, tinuturuan nang umarte si Summer

SA loob ng anim na buwan, 30 pounds na ang nabawas sa timbang ni  Paolo Contis.

 

Aniya, na-inspire siyang mag-exercise at magpapayat para sa kanyang one-year-old daughter na si Summer.

 

Kuwento ni Paolo sa panayam ng 24 Oras, “It’s not really the weight I lose but the life I gain. It’s true para sa akin. Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer ng ikatlong hakbang, ayoko nang sumama, eh. Hindi pwedeng ganoon. Kailangan nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking.”

 

Aminado rin si Paolo na bukas ang posibilidad na pasukin din ni Summer ang mundo ng showbiz kaya naman tinuturuan niya ito ng iba’t ibang acting techniques na kinaaaliwan naman ng netizens.

 

“Para akong may matandang kausap, grabe nakatutuwa,” say ng aktor. “Diretso na ‘yung conversation pero siyempre baby pa rin magsalita. Tapos may mga acting siya na ‘Ouch! Ouch!’”  

 

Dagdag pa ni Paolo, susuportahan niya kung ano man ang gustong gawin ni Summer in the future. “Cliché man pero kung saan siya masaya pero habang bata, ang ituturo mo lang naman sa kanya are the values para ‘pag isinabak mo siya sa giyera, alam na niya ang lahat.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …