Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga bida ng The Promise, nagbigay-inspirasyon sa mga kapwa artista

MARAMING realizations na napulot ang stars ng I Can See You: The Promise na sina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi mula sa kanilang lock-in taping.

 

Dahil The Promise ang isa sa pinakaunang serye ng GMA na sumabak sa lock-in taping, naniniwala si Paolo na mai-inspire nila ang iba pang artista na nag-aalinlangang sumabak sa taping. “We were very concerned na maging successful ‘yung taping kasi alam namin na marami kaming co-actors na takot pa. Because of this, naniniwala ako na mai-inspire namin sila.”

 

Naniniwala naman si Andrea na mas gumanda ang kanilang performance dahil sa matagal na pagpapahinga. “Naapektuhan ‘yung quality ng trabaho. Kasi well-rested kami, palaging ‘yung best mo ‘yung ibibigay mo.”

 

Naging safe at smooth naman ang taping ayon kay Benjamin. “The energy, the safety is even better, the taping is even better, to think na we’re coming from six months absence.”

Kahit nanibago, napanatag ang loob ni Yasmien dahil sa mahigpit na safety protocols na ipinatupad sa set. “Mayroon kaming safety officers sa loob ng set namin na nagpapaalala ng do’s and dont’s.”

 

Ang The Promise ang ikalawang installment sa drama anthology na I Can See You na napapanood simula October 5, 9:15 p.m., sa GMA Telebabad.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …