SERYONG Paolo Contis ang mapapanood sa 8-minute YouTube video niyang Ang Pangarap Kong Soc. App.: A Social Media Toxicity Assessment Discourse. Espesyal kay Paolo ang online documentary na ito dahil isa rin itong personal advocacy para sa kanya.
Ipinaaalala niya rito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa social media. “May mga bagay na hindi mo kailangang sabihin or kung sabihin mo, dapat maayos kung gusto mong makuha ng tao,” paliwanag niya.
Samantala, mapapanood na si Paolo ngayong Lunes (October 5) sa second installment ng Kapuso drama anthology na I Can See You: The Promise pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda