Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rocco Nacino, honorary member na ng NAVSOG

MAY pandemic man, hindi ito naging hadlang para sa Kapuso star na si Rocco Nacino na makamit ang iba’t ibang milestones sa kanyang career. Kamakailan ay naging honorary member siya ng Naval Special Operations Group (NAVSOG) at taos-puso siyang nagpasalamat sa lahat ng mga tumulong sa kanya na makuha ang achievement na ito.

“Akala ko tapos na ang paghihirap ko nang sumabak kami ng Alpha Team sa training ng Special Forces para sa ‘#DescendantsofTheSunPh,’ ‘yun pala mararanasan ko ulit ‘yung hirap sa aming culminating activities para ma-induct sa courses ng NAVSOG. Hindi biro, pero sulit ang hirap at ang mga aral na naidulot nito. At natawa ako nang biruin ako na naging totoo na ang suot ni Wolf, hindi na isang costume. Thank you Philippine Navy, NAVSOG, AFP, for this honor and I am excited to take on more challenges and learnings with the leadership of our officers.”

Bukod dito, ang pelikula niyang Write About Love ay inulan ng good reviews sa paglabas sa Netflix. Ilang araw lang ang nakalipas ay pangalawa na agad ito sa listahan ng Top 10 in the Philippines Today ng Netflix.

Samantala, excited na rin ang fans ng aktor sa pagbabalik ng Descendants of the Sun PH sa telebisyon. Tutukan ‘yan sa GMA Network.

Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …