Monday , March 4 2024
Rocco Nacino, Jin Goo

Rocco, Jin Goo ng ‘Pinas

Rated R
ni Rommel Gonzales

MANALO o matalo, isang malaking karangalan kay Rocco Nacino na maging nominado bilang Best Drama Supporting Actor sa 34th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaganapin sa Oktubre.

“Whatever the result, ako ay masayang-masaya na naisama roon [sa mga nominado].”

Napansin ng PMPC ang kahusayan ni Rocco sa Philippine adaptation ng sikat na Korean drama na Descendants Of The Sun na gumanap siya bilang sundalong si Diego Ramos o Wolf.

Patuloy pa ni Rocco, “It felt so good para maranasan ko ‘yan at maramdaman. Kaya noong i-sinend sa akin ng mga program manager, ng bosses, ‘yung photo of the nomination certificate, it felt so good to see something na I felt appreciated with Diego Ramos’ character.

“Malapit na malapit sa akin ‘yung ‘Descendants Of The Sun’ kaya nagpapasalamat ako kay God na ginawa niyang ganito ng itsura ko kaya nakuha ko ‘yung role at kamukha ko raw si Jin Goo.”

Malaki ang pagkakahawig physically nina Rocco at Jin Goo na gumanap sa orihinal na papel na ginampanan ni Rocco.

“Kaya kung may papasalamatan po talaga ako, iyon ay ‘yung aking kapatid sa Korea, siya po talaga ang may dahilan niyan,”  biro pa ng Kapuso actor.

“The nomination itself is already an award para sa akin. 

“At malaki ang maitutulong niyan sa magagamit kong drive sa paggawa ng mas marami pang proyekto with the Kapuso Network.

“And it’s beautiful to know na, ‘Wow, sa tingin nila kaya kong masama sa category na ‘yun!’

“So it’s very motivating. It’s, anong tawag dito, nakakakaba siyempre na makita ‘yung mga pangalan na ‘yun kasi mabibigat na mga pangalan ‘yung kasama ko po and it’s actually an honor.”

Napapanood bilang male lead si Rocco sa To Have And To Hold sa GMA Telebabad. Gumaganap dito si Rocco bilang si Gavin Ramirez, kasama sina Max Collins at Carla Abellana. Mula sa direksiyon ni Don Michael Perez.

Kasama rin ditto sina Luis Hontiveros, Athena Madrid, Valeen Montenegro, Gilleth Sandico, Roi Vinzon, Bing Pimentel,at Ina Feleo.

About Rommel Gonzales

Check Also

030424 Hataw Frontpage

PREMYADONG AKTRES JACLYN JOSE, NATAGPUANG WALANG BUHAY, IMBESTIGASYON NAGPAPATULOY  
Coco, Cherry Pie agad nagtungo sa bahay

ni ED DE LEON  NATAGPUANG walang buhay ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa …

Gelli De Belen Patricia Tumulak Sherilyn Reyes-Tan Manoy Wilbert Lee

Gelli, Patricia, Sherilyn, at Manoy Wilbert magbibigay inspirasyon sa kanilang show

ni Allan Sancon MAGSASAMA-SAMA sina Gelli De Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan, at ang dating businessman …

KMJS Jessica Soho 1000

KMJS naka-1000 episodes na

RATED Rni Rommel Gonzales SANA all nagtatagal. Sana nga lahat ay gaya ng Kapuso Mo, Jessica …

Jon Lucas

Jon Lucas ayaw padehado

RATED Rni Rommel Gonzales HIGHBLOOD na naman malamang ang viewers sa mga plano ni Calvin …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle at Derrick happy na extended ang Makiling

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI lang viewers ang masaya sa good news na extended ang Makiling dahil …