Friday , April 19 2024
Gary Valenciano

Gary muling nanganib ang buhay

MA at PA
ni Rommel Placente

MASAYA kami para sa idol naming si Mr. Pure Energy Gary Valenciano dahil gumaling na siya mula sa sakit na dengue.

Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang naospital siya for two days dahil nga sa nakamamatay na sakit. 

Ayon sa kanyang IG post, “I just wanted to share the goodness of the Lord with all of you. I’ve been here in the hospital since Mon PM due to dengue fever.

“But He took care of me yet again and now I’m headed home. The Lord has left me speechless once again. I Love you Jesus! #undesevring #unmerited #favoroftheLord #Godissogood.”

Sa comment section, maraming kaibigan ni Gary V ang nagpadala ng mensahe, na masaya sila na gumaling na ang total performer.

Ang isa sa mga ito ay si Iza Calzado. Sabi ng aktres, “Prayers for you Tito Gary [heart emojis]”

Sabi naman ni TV Host Christine Bersola-Babao“TakeCare Gary! [Emojis] May the Lord Bless and Keep you.”

Ang former actress naman na si Princess Punzalan, nagpasalamat kay Lord para sa paggaling ni Gary. Sabi niya, “Thank You, Lord God for healing Gary [emojis]”

Ang singer namang si Moira dela Torre, ay may mensaheng, “So happy to hear that you are feeling better now tito.”

Ang ilan pa sa mga nagpadala ng emojis at mensahe para kay Gary ay sina Lyn Ching, Julie Anne San Jose, Kit Kat, Bernadette Sembrano, Gab Pangilinan, Ogie Alcasid, Timmy Pavino, at RJ dela Fuente.

About Rommel Placente

Check Also

Hannah Nixon Enchong Dee Kathryn Bernardo

Hannah Nixon wish sumali sa PBB, super-happy na part ng Landers commercial

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMING pinagkakaabalahan si Hannah Nixon ngayon. Ito ang aming napag-alaman …

Joross Gamboa Sam Coloso Jerald Napoles Kayla Rivera

Joross at Sam bahagi na ng Barangay Singko Panalo

KUWELA, matalino, at mabilis ang pick-up. Ito tiyak ang ilan sa katangiang mayroon sina Joross Gamboa at Sam …

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Marco Gallo Heaven Peralejo Marven

MarVen nagsabog ng sweetness sa mediaconmmute 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILANGGAM tiyak ang bus na sinakyan namin noong Miyerkoles ng …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …