Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia Barretto, ‘di puwedeng magdalantao

Kung sakali man na all along ay totoong may relasyong itinatago sina Julian Barretto at Gerald Anderson, siguradong ‘di hahayaan ng aktres na magdalantao siya at madiskaril ang career n’ya sa panahong bata pa siya at kumbaga, ay nasa tugatog ng kanyang kagandahan at alindog.

 

Pwede namang magkaroon ng relasyon, litaw man o lihim, na ‘di mauuwi sa pagdadalantao sa maling panahon. At maling panahon para kay Julia na biglang magdalantao.

 

Samantala, matindi pa rin ang suspetsang may lihim na relasyon sina Julia at Gerald, at ang isang ebidensiya raw nito ay ang mga larawang nagsa-suggest na naisama na ni Gerald sa halos tapos nang private beach resort n’ya sa Zambales.

 

May lumabas na isang litrato sa isang social media account na may natatanaw na babaeng nakatalikod sa isang puwesto sa resort na pinagsususpetsahang si Julia.

 

May isang on-camera interview si Julia na ang inuupuan ay kamukha ng isa sa mga upuan sa resort ni Gerald.

 

Of course, may karapatan ang mga celebrity na ilihim ang gusto nilang ilihim, itanggi ang gusto nilang itanggi, aminin ang mga gusto lang nilang aminin. Hindi sila dapat ikondena ng madla at ng media tungkol sa mga pasya nila, lalo na ‘yung mas tungkol sa private life nila kaysa career nila.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …