Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jay Sonza, balak nang maging showbiz writer?

ABORTED na po.

Hindi po. Hindi po ang alleged baby sa sinapupunan ni Julia Barretto ang aborted na, kundi ang binalak naming paghingi ng opinyon kay Atty. Harry Roque, ang presidential spokesman, kung pwedeng idemanda ng libel ang pagbabalita ng isang tsismis na siyang ginawa ng ex-broadcaster na si Jay Sonza. Tsismis lang ang ibinalita n’yang nabuntis ni Gerald Anderson ang matagal nang natsitsismis na girlfriend n’yang si Julia.

Naglabas na noong gabi ng Sept. 21 sa Instagram n’ya si Julia (@juliabarretto) ng isang pagkaseksi-seksing picture n’ya na halos hungkag ang abdominal area n’ya sa ilalim ng midriff shirt. Mukhang pati si Mang Jay ay mai-in love sa kaseksihan at kagandahan ni Julia sa picture na ‘yon.

Simpleng “fake news” ang caption ng pic. Walang banggit sa pangalan ng ex-broadcaster.

Si Gerald man ay naglabas din noong gabi ng Sept. 21 sa Instagram n’yang @andersongeraldjr ng “misteryosong” mensahe na “Congratulations to me” at emojis ng fist bump, smiley, at praying hands sa caption. Total blackness lang ang photo area.

That means walang balak sina Julia at Gerald na magdemanda. Wala rin silang affirmation o denial na may relasyon sila.

Pero ang totoo kayang balak ng ex-broadcaster ay maging showbiz writer na rin na gaya ni Lolit Solis na sulat lang nang sulat ng kahit anong balita kahit i-deny? Pwedeng-pwede naman sa showbiz section ang estilo ng pagsusulat ni Kuya Jay sa mga panahong ito.

Nakaiintriga ang pagsusulat n’ya!

May balak na rin kaya si Jay na maging talent manager? After all, noong magpartner pa sila ni Mel Tiangco, siya ang business manager ni Mel.

Well, abangan na lang natin ang mga susunod pang Facebook posts ni Jay Sonza.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …