Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Byahe nina Marian at Dong sa Spain, ‘di muna tuloy

LUBOS ang pasasalamat ni Marian Rivera sa GMA management na naunawaan ang desisyon niyang hindi na gawin ang My First Yaya na kung hindi nagka-pandemya ay gumugulong na ang camera sa bagong project with Gabby Concepcion.

 

Alam naman natin ang bagong protocol ngayon sa taping, kailangan ilang araw na naka-lock-in sa location para maprotektahan ang lahat sa pandemya ng Covid-19. Eh impossible para kay Marian ito dahil maliliit pa ang anak niya at nagpapasuso pa ito sa kanyang bunso.

 

Si Marian ay hands on sa mga anak at gumagabay ito sa mga bata lalo na at nag-aaral na ang kanyang panganay. Naaawa nga siya sa mga bata at hindi nakalalabas at sabik na makita ang mga kaibigan sa school. Maski sa Village park na tinitirhan nila ay hindi makapaglaro ang mga bata. Mabuti na lang at nasanay na ang mga bata sa ganitong sitwasyon.

 

Mabuti na lang ang kanyang asawang si Dingdong Dantes ay nakapag-taping na ng Descendants of the Sun na naka-lock-in. After ng taping last Friday ay quarantine pa ito ng three days bago nakauwi ng bahay para sure na walang dalang sakit.

 

Si Marian naman ay tuloy ang taping ng Tadhana na sa bahay lang nila ginagawa at si Dong ang director. Kaya okay naman si Marian at kung hindi magbabago ang sitwasyon ay sa bahay nila lang sila magpa-Pasko unlike sa mga nakalipas na taon na kapag 24 ay sa bahay nila Dong sila at 25 sa Cavite kina Marian. Dapat nga ay may biyahe sila sa Spain para makita ng ama ni Marian ang bunsong si Sixto pero naudlot dahil sa pandemia.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …